Sama-sama at Tulong-tulong para kay Kuya Ambo!
Fundraising campaign by
Kareen Ramirez
-
₱2,510.00Donated So Far
Campaign Story
+
Mapagpalang Araw sa inyong lahat...
Kami po ng aking pamilya ay kumakatok sa inyong butihing puso para kami ay matulungan sa pagpapagamot at posibleng operasyon ng aking bunsong kapatid na si Ambrocio B. Ramirez III ( A.k.a Kuya Ambo). Ito lamang pong Abril ay idinaing na niya sa amin na hindi niya na kaya ang sakit na kanyang nararamdaman, kung saan lumulobo ang kanyang tiyan (Bloated), at nakakapa niya ang mga bukol sakanyang tiyan at likuran, gayundin nag mamanas na rin ang kanyang paa. Agad namin siya pinatignan/pinacheck up.
May pinagawa sakanyang ilang laboratory, at dahil sa hindi magandang resulta ng mga ito agad kaming ini-refer sa isang Gastroenterologist. Ganoon ulit, laboratory ulit with ECG, 2D Echo at Abdominal CT Scan. At lumabas ulit ang di magandang resulta na siyang ikinalunkot ng aming buong pamilya. Kailangan niya na rin mai-confine dahil sa kanyang kalagayan, manas ang katawan, pagkahapo, at pangingitim at paninigas ng tiyan. At sinabihan din kami na magpakonsulta na rin sa isang Cardiologist. Dahil sa kalagayan ng aming pamilya ngayon di namin kaya ang pribadong hospital, kaya dinala namin siya sa pampublikong hospital, dito ay sinabihan na kaming baka di na namin siya mailabas ng buhay dahil sa sobrang dami ng kanyang komplikasyon, na sobrang ikinalungkot ng aming buong pamilya. dahil na rin sa kalagayan ng mga hospital ngayong may pandemya pinili na lang namin iuwi ang aking kapatid at dito nalang sa bahay siya gamutin at alagaan. Alam namin na kailangan niya rin ang kanyang asawa ( 7 months pregnant) na isa sa pinagkukunan ng lakas ng aking kapatid na si Ambo.
Diagnosis: Rheumatic Heart Disease, Hyperthyroidism, Fatty Liver Disease.
Pwede magsagawa ng Heart Surgery, ngunit walang kasiguraduhan kung kakayanin pa ng ibang internal organs niya. At kung sakaling matuloy ang operasyon, kinakailangan ng malaking halaga para sa operasyon at sa gamot. At dahil na nga sa kalagayan ng aming pamilya, kami ay walang malaking halaga para sa operasyon.
Kaya kami'y kumakatok sa inyong mga puso para kahit sa pagbili ng mga gamot at iba pang pangangailangan kami ay inyong matulungan. Para kahit paano'y madugtungan pa ang kanyang buhay at makasama niya pa ang kanyang asawa at maliliit na anak. Hinihiling din namin na isama nyo po ang aking kapatid na si Ambo sa inyong panalangin.
Maraming Salamat Po!
Organizer
- Kareen Ramirez
- Sibling
- CALOOCAN CITY, PH
Donors
- Anonymous
- Donated on May 27, 2021
- Arlene Sta. Maria
- Donated on May 02, 2021
Please Help my Brother Ambo!
Update posted by Kareen Ramirez at 11:58 pmSana po matulungan nyo kami makalikom ng sapat na halaga para maituloy namin ang Heart Surgery niya at ang tuloy-tuloy niyang pagpapagamot. Salamat po!
Donors & Comments
- Anonymous
- Donated on May 27, 2021
- Arlene Sta. Maria
- Donated on May 02, 2021