Sagip buhay

  • ₱0.00
    raised of ₱200,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

SAGIP BUHAY

Ako po si Rene Recomata kasama ang aking asawa na si Jessel Mae Recomata nakatira po kami sa municipality of sibagat agusan del sur.

kumakatok po kami sa inyong mga puso para po sa aming anak.

My hydrocephalus po ang aking anak na si bb Rhenz moderate to severe according to my surgeon 95% ang tubig at 5%nalang po ang nakikitang utak nya sa ct scan.subrang compress na po ang utak nya.kailangan na po talaga sya e VP Shunting para di po tuluyang ma sira ang utak nya.

Iisang paraan lamang po para mabuhay ang anak namin e vp shunt xa( major operation po) yung shunt from head connected to abdomin,si abdomin po ang tutulong kay brain para sa pag absorb ng tubig e circulate sa body at ehi po.

Sabi din ni doc kong hindi kami papayag sa procedure parang kami din ang pumapatay sa anak namin,(dinurog ang puso ko at diko napigilang umiyak sa harap nya ang dami na po kasi ang phobia naranasan namin) 5% lang po ang pinag hahawakan namin kunting kunti lang po at sinabi ko kay doc yang 5% ang nag bibigay sa amin ng pag asa.at pumayag po kami sa vp shunting.kong kanikanino na ako lumalapit para mka bili ng vp shunt (30000) po ang halaga sa awa ng Dios na tulungan ako ng isang foundation.binigyan nila kami ng shunt.at na nag schedule napo ng operation pag katapos nya e cp clearance.

Sa ngayon po succesfully natapos ang operation..underobservation xa ngayonStable nmn ang V/S nya.

Nakuha nya ito noong nag kasakit xa ng pneumonia roll out bacterial miningitis last year na mag dadalawang buwan palang po xa non..

Nag coma po xa dati ng 2 weeks at naka stay xa sa icu.

Nag I.G cut down din xa k.c di napo tinatanggap ng katawan nya ang dextrose kaya dumaan nanaman xa ng minor operation yun yung IG para ma ipagpatuloy po ang gamotan at dextrose.

Dumaan din xa ng blood transfusion.edema kaya need xa e catherter di k.c xa umiihi.ang daming nkakabit sa kanya.

Dahil sa bacterial miningitis na sakit nag karoon xa ng cerebral palsy need pa namin xa e therapy after this operation at mka recover na xa para mabuhat na po nya ang ulo nya.mkatayo at mka pag salita or iiyak lamang.(di po k.c xa umiiyak kahit gutom or my kumagat ng langgam) at ito po hydrocephalus.Naging special child po anak namin at delay development.

Sa awa ng Dios di nya kami pinabayaan lahat ng pwedi at kaya naming gawin ginagawa nmin para lng mabuhay anak nmin.

bawat araw dumadaan unti unti xang gumaling sa sakit na bacterial miningitis at pneumonia.

At dininig ng Dios ang aming mga dasal..

Hanggang natapos ang kanyang treatment at umabot po kami ng 1 buwan at 1or 2 weeks yata..at n discharge nadin kami.

Umabot din sa almost 200k ang bill namin xcept sa pag kain namin at mga gastosin namin at pangangailangan ni bb.

kaya pa po nmin ang gastosin dati pero ngayon po medyo financially crisis po kami driver po asawa ko at nag baboundery kami at yung kita po nya sapat lang po sa araw araw naming gastusin, di na po ako nka balik sa aking trabaho kasi hands on po ako sa pag aalaga ng anak ko kaya po sana hihingi ako ng kunting tulong sa inyo para po sa tuluyang pag galing ng anak ko.

Ang dami dami napong pag subok ang pinag dadaanan ng anak ko at patuloy po xang lumalaban.kaya ito lumalaban din kami para sa kanya.

Kunting halaga lamang po para sa isang buhay.

Ngayon po october 27,2017 umabot napo ang initial hospital bill namin ng 76,000 hindi pa po kasama ang doctors pay kaya po humihingi ako ng kunting tulong para sa tuluyang pag galing ng anak namin.

Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob.

#:Godwillmakeaway

#:Godisgood

#:Godisgreatprovider

Pls include my son in your prayer para po sa mabilis nya na pag galing.

ito po ang aming mga pangalan at contak #:

Name:Jessel Mae A. Recomata or sa asawa ko po Rene Y.Recomata

Cp#:09070898749

Maraming salamat po sa inyong lahat more blessing po sa inyo.

Organizer

  • Rene Recomata
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱200,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities