Para sa Paghinga ni Nanay Sec
Fundraising campaign by
Reitzel Nicole Tayag
-
₱0.00raised of ₱150,000.00 goal goal
Campaign Story
Ang lola namin, si Nanay Sec, ay malubha na ang karamdaman. Araw-araw na po siyang gumagamit ng oxygen tank at hindi na rin sya halos makahinga dulot ng sakit tulad ng ikinamatay ng isang naming tita noong nakaraang taon. Ang tanging nag-aalaga na lang sa kanya ay ang tita naming na-diagnose ng colon cancer mula pa noong 2018.
Nahihirapan na rin po kami ng tatay ko sa pagtustos ng medikal at pang-araw araw nilang pangangailangan. Hindi namin masabi kung ano ang mangyayari sa mga susunod na linggo. Patuloy na lumalala ang kanyang kalagayan.
Alam po naming lahat tayo ay may mga pinagdaraanan ngayon pero gusto pa rin po namin sa ang subukan na humingi ng tulong para sa aming lola. ₱500 kada araw ang kinakailangan namin para sa oxygen ni Nanay Sec. Kung mayroon man pong makakatulong sa pagbili ng oxygen nya, taos puso po kaming nagpapasalamat. Maaaring ipadala na lamang po sa BDO account o sa PayPal ang inyong mga tulong. Maraming salamat po.
Organizer
- Reitzel Nicole Tayag
- Funding
- Quezon City, PH
No updates for this campaign just yet