Krishia’s fight against cancer

Update posted by MC Pearl Lea Berania On Oct 25, 2017

POSTED BY MY NIECE KRISHIA ON HER FB ACCOUNT.

"PLEASE TAKE TIME TO READ! 🙏🙏

Para to sa mga curious, concern, humihingi ng updates regarding sa lagay ko, at sa lahat para maging aware kayo na importanteng alagaan ang sarili lalo na't bata pa.

I'm 23 yrs old, married at may napakagwapong 5months old baby. At meron akong rectal cancer.

Ako yung tipo ng tao na walang pinipiling kahit anong pagkain kaya sumobra akong taba noon, 71kls at the age of 21. Super overweight dba? As in halos lahat kinakain ko, pinakafavorite ko ay mga street foods. Isaw, betamax, paa, kwek2 etc. Basta isama mo ko sa hanay ng mga street foods, titikman natin lahat yan. And lahat pala talaga ng sobra ay masama (I think eto ung reason kung saan ko nakuha sya).

Year 2014 after ko makagraduate, sa medical ng first job ko class b agad ako gawa ng skin tag. Tingin ko mild pa lang sya ng almoranas. Everytime magpapamedical ako,yun na ang classification ko and nakakapagwork pa din nman ako.

Year 2015, nagstart na ko magdumi ng liquid and maya't maya (sorry sa mga saktong kumakain). Bago ako dumumi, puro hangin muna lumalabas bago ung liquid. Di ko sya pinansin kasi akala ko sadyang nagbago lang bowel movements ko. This time, I think naging almoranas na ung skin tag ko before.

Year 2016, nagsisimula ng bumagsak timbang ko. Mejo namumutla na ako and mabilis mapagod, nagstart na din magkaroon ng blood ang dumi ko. November 2016, nalaman naming 4months na akong buntis sa aking baby boy. Paglilihi pala ang reason nung mga nabanggit ko, liban na lang dun sa blood sa dumi. Hanggang sa naikasal na ako ng March 2017, ganun pa din. Bumabagsak timbang ko habang tyan lang ng tyan ang lumalaki sakin kahit tapos na ako sa stage ng paglilihi (maselan kasi ako maglihi that time).

April 2017, nailabas ko na ang pinakapogi kong baby boy. Nagstart ako magpabreastfeed na dapat ikakataas na ng timbang ko dahil maya't maya ako kumakain gawang nagbebreastfeed nga. Pero hindi, from 71kls before, naging 44kls na lang ako, anjan din ung nangangalos ang tuhod ko, madaling mapagod o mahingal at as in liquid na liquid na ang dumi ko na may kasamang dugo (fresh, sometimes buo buo) and talagang nabother na kame. So August 18, nagpacheck up kame sa surgery dept sa healthserv. Inexamined ang pwet ko after ko sabihin lahat ng mga nararamdaman ko dahil ang sabi ko lumala na ang almoranas ko. Pero hindi,dun ko pala malalaman ang nakapagpabago sa buhay ko 180degrees. Diagnosed ako with rectal mass/cancer. Circumferential na sya sa loob ng pwet ko. Napakarami kong lab request na dapat gawin. Pero di pa ko naniwala, nagpasecond opinion kame sa CDH ng Aug 22 and unfortunately, same findings. SAKLAP diba?!

August 24, nagdecide kame lumuwas para magpa3rd opinion sa PGH. Denial pa dba? Tss. Sa kasamaang palad, same findings pa din. And that same day, sinabi ng doctor na iaadmit ako para iwork-up. Di sya normal na magkaroon and isang 23yrs old. Usually daw ay mga oldies 50's and up.

Sobrang daming tusok ang ginawa sakin para lagyan ng dalwang dextrose at kumuha ng dugo para sa mga lab tests. Since dumudumi na nga ako ng dugo, tendency pala nun ay magiging anemic ako. Kaya sinalinan ako ng 3 bags ng dugo. Ang hirap na dalwang dectrose,isang antibiotic at bag ng dugo ang nakakabit sayo. Ang hirap na kada babalik ako ng pgh kinakabahan ako dahil baka masakit ung gagawin nila saking procedure. Ang hirap na kailangan mo lagi ikundisyon ung katawan mo para kpag babyahe kna at gagawin sayo ung procedure e malakas ka. Ang hirap! Nakakaiyak.

Napakahirap ng nangyari sakin, wala na siguro akong iluluha kung iiiyak ko lahat ng nangyari na yon. Ang bata ko pa, kakakasal ko lang at higit sa lahat pano ung baby ko. Daming tumakbo sa isip ko, hindi sa wala akong tiwala kay God pero naitanong ko kung bakit ako ang nagkaroon ng sakit na to. Pero alam kong di nya ito ibibigay kung alam nyang hindi ko kakayanin. Nanganak nga ako ng normal e, tapos eto cancer lang. Wew! He's the only healer. Alam kong gagamitin nya ang mga kamay at isip ng mga doktor na mag-oopera sakin soon para gumaling ako.

Sa ngayon po may scheduled pa ako ng colonoscopy bukas. And hopefully after lahat ng lab tests na ginawa sakin, maschedule na ko for operation. Lapit pa nman na magChristmas. 😢 Sabay sabay babasahin sakin ang mga lab results ko after ng lahat2. Kaya di ko pa po masabi if wat stage na sya.

Salamat po sa pagbabasa at sana maging aral sa lahat na wag abusuhin ang katawan. Ipinahiram lang satin ang buhay na ito kaya dapat nating alagaan. Higit sa lahat, pray lang ng pray. Di sya makukulitan sayo, di ka man nya sagutin agad. May mga paraan syang ginagawa para sayo. Amen! Fighting! ❤👍"

Add a Comment

photo

Anonymous

Backed with ₱2000.00 On Nov 07, 2017

photo

Anonymous

Backed with ₱2000.00 On Nov 02, 2017

photo

Anonymous

Backed with ₱3000.00 On Oct 25, 2017

photo

Anonymous

Backed On Oct 25, 2017 Amount Hidden

Add a Comment

photo

MC Pearl Lea Berania

Campaign Owner

flag Dubai, ae

send a message

photo

MJ Soriano

Following Since Oct 27, 2017

photo

Reinalyn Almenanza

Following Since Oct 25, 2017

Create Support Campaign

Can’t Donate? Sharing Helps Too!

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25??

Share on