Help them rebuild their Home
Fundraising campaign by
Karleen Faye Marie Santiago
-
₱500.00raised of ₱150,000.00 goal
No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities
Campaign Story
"Only in the shattering can the rebuilding occur"
Background:
Masaya pa lahat nung gabi ng December 31, 2019. Naghihintay para salubungin ang bagong taon.
Buo ang pamilya. Lahat sama-sama. Lahat ay nakaabang pagpatak ng alas dose ng gabi.. para batiin ang lahat ng Manigong Bagong Taon.
Maraming pagkain, may tawanan, may sigawan.. di magkarinigan.. maingay sa labas ng bahay... lahat, masaya. Panibagong taon. Panibagong pag-asa.
Busog. Maraming natirang pagkain. Nilagay na lang sa ref.
Makalipas ang mahigit kumulang na 3 oras.. naramdaman na ang pagod. Nagsitulugan na.
Tahimik na ang gabi.
Bandang alas tres y media ng umaga, may nag ingay na naman.. mga lasing sa kanto.
Sige inom pa...
Pero kakaiba ang ingay na narinig nila. Nanggigising. Sigaw. May sunog daw.
Naputol ang mahimbing na pagkakatulog nila. Dahan dahang lumabas ng bahay at nakitang may sunog sa kapitbahay. Malayo naman ang pangyayari sa bahay nila. May mga nakaabang ng bumbero. May sumisigaw pa na "ayos na. Wala ng sunog"
Kampante sila na magiging maayos naman lahat.
Lumakas ang hangin. Nakakagulat. Bakit walang nakakita? Maraming bahay ang nasunog.. higit 100.
Nasa dulo na yung bahay nila. Bakit nahagip pa?
Naubos din daw ang tubig? Bakit sa orqs na kelangan nila?
Tanging mga mahahalagang papeles ang hawak nila. Yung mga damit, appliances, natirang pagkain sa ref, bahay,.. naging abo na.
"Wala na tayong bahay"..
Ito na lang ang nasabi ng bawat isa...
Pero salamat sa Diyos at walang nasaktan sa kahit isa sa kanila.
Nakangiti. Pero lumuluha.
Pano tayo ulit magsisimula?
Nawala man sa kanila lahat, sama-sama pa rin silang babangon.
Andyan pa rin ang mga kaibigan. Walang iwanan.
(ang fund raising na ito ay binuo upang makatulong sa pamilya nina Jobs para makapagsimula ulit sila.)
Organizer
- Karleen Faye Marie Santiago
- Campaign Owner
No updates for this campaign just yet
Donors & Comments
- Anonymous
- Donated on Jan 05, 2020