Help Aurus: After surviving Covid-19, he is now battling against a cyst found in his abdomen

  • ₱0.00
    Donated So Far
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Kami po ay kumakatok sa inyong mga puso na kami po sana ay inyong matulungang mag-raise ng funds para kay Aurus Ortiz, 26 years old, graduating na sana sya sa IT course. May nakita pong cyst sa kanyang bituka at noong June 9, 2020 ay inoperahan sya para ipa-biopsy ang bukol. Naghihintay pa lamang po kami ng resulta for 2 weeks; ngunit ang bill po namin sa ospital ay umabot na nang mahigit P100,000, hindi pa po kasama ang bill para sa operasyon nya kahapon.

Napakahirap po ng pinagdaanan ni Aurus mula noong buwan ng Mayo. Labas pasok na po sya sa ospital simula May 9, 2020. Nakita noon ng mga doktor na sya ay may sakit sa lungs, kaya pina-test din sya for Covid-19. Sya po ay nag-positive sa Covid-19 noong May 16 kaya ay na-confine sya sa Los Banos isolation center nang dalawang linggo. Noong sya ay nasa isolation center, doon nya naramdaman ang sobrang pananakit ng kanyang tiyan, madalas ang kanyang pagsusuka, at wala rin syang ganang kumain. Ang nasa isip namin ay dahil sa mga ininom nyang gamot para sa Covid. Pero noong natapos na ang kanyang quarantine, sya ay nag negative na for Covid, ganoon pa rin ang kanyang mga nararamdaman. Napakasakit ng tiyan nya at laging nagsusuka.

Bumagsak kaagad ang kanyang katawan noong June 3, 2020, kung kaya dinala na namin sya ulit sa ospital. Doon sana kami sa public hospital sa Sta. Cruz, kaya lang ay wala ng bakante. Kaya kami ay napilitang ipasok na lamang sya sa private hospital sa Los Banos Doctors Hospital (LBDH), kahit na alam namin na magiging malaki ang gastusin. Doon po sya naka-confine sa LBDH hanggang ngayon.

Tulungan nyo rin po kaming ipagdasal na ang cyst sa kanyang bituka ay hindi cancerous. Napakahirap po ng sitwasyon ng kanyang pamilya lalo na at wala pong trabaho ngayon ang kanyang tatay na isang driver. Sana po ay matulungan ninyo kami sa kahit na anong halaga. Marami pong salamat.

Organizer

  • Eric Barrion
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

6 followers
Maria Crisieda Tria
Alvin Aquino
Rosalie Fortaleza
Kristine Magalit
Jenedee Uniforme
Jennifer Alagon
₱0.00
Donated So Far

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook