Help an Unsung Hero Return Home

  • ₱0.00
    raised of ₱200,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Napakasaya ko nung malaman ko na may ganitong website na tumutulong sa mga taong katulad ko. Ang dahilan ko kung bakit ko ginagawa ito ay para sa aking mahal na nanay Cynthia. Humahanga ako sa katatagan ng aking nanay. Siya ang nagsilbing haligi at ilaw ng aming tahanan nung nawala ang aking ama. Itinaguyod niya kami kahit nahihirapan siya sa pagtuturo. Isa siyang pampublikong guro sa mababang paaralan ng Geronimo sa bayan ng Rodriguez, Rizal. Napakarami nyang nagawa sa komunidad namin sa Rodriguez pati na rin sa mga estudyante nya.

At ngayong siya naman ang nangangailangan ng tulong, gusto ko po sanang hipuin ang inyong mga puso na kami po'y inyong tulungan. Siya po ngayon ay nakaratay sa isang ospital sa lungsod ng Daet, Camarines Norte. Kakatapos lang po ng kanyang operasyon sa bituka noong Oktubre 23, 2019. Ang diagnosis ng doctor ay : INTESTINAL OBSTRUCTION COMPLETE SECONDARY TO SIGMOID TUMOR; S/P EXPLORATORY LAPAROTOMY HARTMANN'S PROCEDURE.

Ang perang malilikom po dito ay gagamitin upang ipambayad ng kanyang medical bills at pang tustos sa araw - araw na gamot niya dahil ang sabi po ng doctor ay habambuhay na po siyang naka colostomy bag. Gusto ko pa pong humaba ang buhay ng aking dakilang ina. Dahil alam ko na marami pa siyang matutulungan sa aming pamayanan at mahal na mahal namin siya.

Ngayon pa lamang po, ako po ay lubos na nagpapasalamat sa mga tutulong po sa aking nanay Cynthia.

To help get the word out, you can share the link to your Facebook Timeline!

Organizer

  • Felix Mark Camacho
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

1 followers
Eli Espanto
₱0.00
raised of ₱200,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities