Fundraising for Elvis’ hospitalization

Fundraising campaign by Imelda Balansag
  • ₱0.00
    raised of ₱200,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Ako po si Imelda H. Balansag. Ako po ay kababaang loob na lumalapit po sa inyong may mabubuting puso at kalooban upang humingi ng konting tulong upang matugunan ang medical na pangangailangan ng aking asawa na si Elvis B. Balansag, 52 taong gulang. Kasalukuyang nasa ICU ng San Juan Medical Center ang aking asawa. Siya po ay naistroke dahil sa komplikasyon sa dugo (Polycythemia vera) at impeksyon sa baga (Pneumonia). Dagdag pa rito, nagkaroon sya ng komplikasyon sa kidney dahil hindi sya nakakaihi ng ilang araw na nagresulta ng pagmamanas nya sa buong katawan. Ito po ang karamdaman na nagpapahirap sa kanya ngayon at maging sa amin lalo na po sa pinansyal na problema.

2017 ng una syang na mild stroke. Aug 2019 inatake ulit ang aking asawa at kinailangang iwheel chair dahil hirap na syang makatayo. Feb 11, 2020 siya ay isinugod namin sa ospital dahil sya ay nagkaroon ng sereve stroke na nagdulot ng pagdurugo sa kanya bituka at paglaki ng clots sa kanyang utak. Feb 21, 2020 nacoma ang aking asawa at ito na ang pangapat na stroke nya. Nilagyan na rin sya ng tubo pangsuporta dahil hirap na itong makahinga.

Sa bawat araw, kami po ay may mga gamot na kailangang bilhin na nagkakahalaga ng 3,000 - 4,000 pesos. Ito ay ang kanyang mga antibiotics. Sa susunod na araw ay kailangan na din syang operahan para mailipat ang tubo nya. Iba pa ang mga bills sa ospital at mga tests na kailangan gawin sa kanya. Hirap na po kami na lumapit sa aming nalapitan nung una. Wala na po kaming ibang malapitan. Kami po ay walang kakayahang tugunan ang medical na gastusin sa halagang kinakailangan.

Ako po ay humihingi ng awa sa inyo na sana kami po ay inyong matulungan. Nagpapasalamat po ako sa inyo na sa maibibigay nyo na tulong na kahit sa maliit na halaga ay malaking tulong at ginhawa na po na maidudulot sa amin upang maibsan ang mga alalahanin. Ako at ang aking asawa ay taos pusong nagpapasalamat sa inyo.

Pagpalain nawa po kayo ng Poong Maykapal!

Ito po ang bank account na maaring mag deposit:

GCASH
Account Name: Danielle Louise H. Daproza
Account Number: 09062708510

BDO
Account Name: Sweet F. Villamor
Account Number: 003000455730

UnionBank
Account Name: Sweet F. Villamor
Account Number: 109817111580







Organizer

  • Imelda Balansag
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱200,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook