Mises à jour activées Help Eron Fight Leukemia

Consolidation, Day 35 out of 43 days
Mise à jour publié par Rishell Perez Le Sep 11
Rest sa chemo si Eron until day 37.

*Long Post, Our Journey So Far

Patient: Eron Perez

Diagnosis: Acute Myeloid Leukemia

Just a brief background, ang consolidation ay aabot ng 43 days na outpatient. Kasama na dun yung 1, 2 o 4 days na pahinga. May days na ini-inject lang sa kanya yung Cytarabine, isa sa chemo drug nya. May days na pinapadaan sa swero na abutin 2 hours yung Doxorubicin. Weekly checkup. Kung mababa ang platelets o rbc, kailangang salinan.

Nag start kami ng June 4 ngayong taon. Kung tuloy-tuloy, July pa lang ay tapos na ang consolidation ni Eron. Pero okay na din na napopause ang chemo, at least sinisigurado ng doctor na kaya ng katawan nya bago ituloy ang chemo.

2nd week ng chemo, nakuha namin ang result ng bone marrow aspiration nya. Mayroon pa din syang 2% na blasts o leukemia cells na pinoproduce ng kanyang bone marrow. Malaki na din naman ang nabawas mula sa lagpas 60% noong nadiagnose na may leukemia sya nung February.

Dahil tapos na ang induction, dapat daw ay wala nang naproproduce na leukemia cells yung bone marrow nya. Naghintay pa kami ng decision ng consultant kung itutuloy pa ang chemo.

Dumating din ang point na sobrang baba ng anc ni Eron, mababa ang platelets, o di gumagaling ang ubo kaya nacoconfine sya na umaabot ng lagpas isang linggo. Dahil doon, pause din ang chemo nya.

Naubos na din ang allocation sa Philhealth dahil lagpas 45 days na syang naospital all in all. Next year pa pwedeng gamitin ulit.

Nagkaroon din ng pagkakataon na 2 araw syang naghintay na masalinan dahil nagkakaubusan na ng platelets (uso ang leptospirosis at dengue). Mabuti na lang at nakalapit ang mama nya sa ABS-CBN para makakuha ng platelets.

Sa ngayon, okay pa naman ang dugo nya. Sana magtuloy-tuloy. Nakakatuwang makita na masigla na sya ulit at maganang kumain. May times kasi na nakahiga lang sya sa kama at nanghihina at nagsusuka pag nagchemo.

A few months ago we were told na ang chance ni Eron na mabuhay ay 30%. Kaya pinili namin ang chemo dahil aabot ng milyon (around 4M) ang bone marrow transplant. However, we only found out a recently na ang 30% pala ay applicable lang kung si Eron ay mag-bobonemarrow transplant. Dahil alam namin na mahihirapan kaming makaipon ng 4M, chemo na muna.

Nakakakuha din po kami ng guarantee letter mula sa pcso, office of the president, vice president at doh. Kaya lang may expiration ang mga iyon, yung iba may limit din so di pwedeng monthly. Kaya madalas din na sa donation kinukuha ang pambayad sa bills sa ospital, kasama na dun ang laboratory pati checkup.

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga bumili ng payong, t-shirt, at sa mga nagdonate ng pera. Ginagamit po namin ang pera pang gastos sa ospital.

Sa mga nagdadasal para kay Eron, marami din pong salamat...

Ajouter un commentaire