Jan 22, 2019 at 08:59 am

Recurrent Subchorionic hemmorhage

Update posted by Maricar Garcia

13weeks+day2 (1/22/19)

-kahapon check up namin ni baby. ang magandang balita is strong HeartBeat at tama ang size nya sa age nya.

-pero my nakita nanaman na Subchorionic hemorrhage (sch) Pati ang mababang water ko sa loob.

-2weeks ago ang ganda na ng resukts ng UTZ. then now meron ulit. Bali pang tatlong balik na ng sch.

-Ung kulang sa water ay dahil sa sobrang pagsusuka ko nitong nakaraan ay talagang mababa ang water intake ko. dipako nakaka 1liter a day. ang kailangan ay 3-4liters a day.

-sinabi ni doc na di makkalaki si baby ng maayos if kulang water ko at protection nya rin ang water sa loob.

-tinanong ko bakit balik balik ang SCH ko.sagot ni doc dahil hindi na aayos mismo ang problem sa immune system ko. nasa totoo naman ay dahil my kulang kaming treatment at yun ay ang LIT na dapat ay naipagawa na namin nung 1st trimester palang.

-tinanong ko si doc if makakasama kay baby ang bleeding sa loob. Sagot ni doc hindi ang bleeding ang masama kay baby kundi ang reason bakit balik balik lang ang bleeding ko sa loob.

-until now dinadamdam ko parin ang resulta ng check up kahapon. dinidibdib ko. nahihirapan ako mag isip. nahihirapan narin gumawa ng paraan maitawid lng ang araw araw na gamot at monthly na treatment.

Back to campaign page