Sep 02, 2018 at 06:21 am

UPDATE ON PIA'S STATUS - September 2

Update posted by Floranie Benig

Nalampasan na po ni Pia ang napakahirap na pagsubok sa loob ng NICU. Salamat sa Diyos at nung August 11ay naka-graduate na siya sa NICU at nalipat na sa regular room. Napakabuti talaga ng Panginoon.

August 13 ay for discharge na po siya. Kaso eto naman po ang challenge ngayon, kung pano namin mababayaran ang hospital bill at Professional Fee ng 8 doctors ni Pia na may total na 1, 395,713.00.

Uulitin ko po na kaya kami nasa private hospital-Cardinal Santos Medical Center ay dito po ang hospital ng OB ko at dito po plano ko manganak at pinag-iipunan naming mag-asawa. Kaya po nung May 26 nung emergency na po eh dito ako nagpadala. Di naman po namin inakala na masyadong mapapaaga ang aking panganganak. Sa kondisyon po ni Pia na isang 25 weeker, preemie baby ay napaka-kritikal po na ilipat siya sa ibang hospital. Isa po kasi sa rason kung bakit daw po 100,000 lang ang ibinigay sa amin ng PCSO ay nasa private hospital daw kami.

Kumakatok po ako sa inyong mga puso para matulungan kaming mailabas na ng hospital si Pia. Sobra sobra na po yung hirap at sakit na naranasan niya sa NICU. Baka po pwede nyo kaming ilapit sa mga individual na may kakayahang tumulong sa amin or sa mga may foundation. Nalapitan na din po kasi nmin yung maaaring makatulong sa amin sa gobyerno.

Nakalapit na din po kami sa aming mga kamag-anak pero sadya pong kulang pa din ang aming pambayad. Sa isang linggo po ay mag-iisang buwan na po kami na dapat ay nakalabas na ng hospital.

Sana po ay matulungan nyo kami. Ipinagpapasa - Diyos na po namin ang lahat...


Back to campaign page