Help Zyrene win against Biliary Atresia

  • ₱52,000
    Donated So Far
Raised offline: ₱41,344.50
Total: ₱93,344.50
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Magandang araw po sa lahat. Ako po si Meldie Bautista, kumakatok sa inyong mga puso para sa kaunting donasyon para sa Liver Transplant ng aking 8 taong gulang na anak na si Akisha Zyrene Bautista.

Si Zyrene ay matapang na nakikipaglaban sa sakit na biliary atresia, isang congenital disease. Isang buwang gulang pa lamang siya nang madiagnose ng sakit na ito. Dalawang buwang gulang siya nang sumailalim sa operasyon na KASAI ( For reference: https://www.fairview.org/patient-education/88701 ). Simula noon ay pabalik balik na siya sa ospital (PGH) dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit kung saan naranasan niyang sumailalim sa procedure na EGD ng 5 beses at 4 na beses na pagdikit ng histoacrylic injection upang tumigil ang pagdurugo dulot ng pagputok ng kanyang gastric varices.

April 7, 2020, nagpasya kaming magasawa na isugod siya sa ospital dahil sa kanyang pagsuka at pagdumi ng dugo. Sa paglipas ng mga araw, lumala pa ang kanyang kondisyon. Hindi na siya kumakain at kinabitan na lamang ng tubo sa kanyang ilong upang mailabas ang dugo na namumuo sa kanyang tiyan. Madaming gamot din ang nakasaksak sa kanya pampataas ng BP at sa loob ng 4 na araw, anim na bag ng dugo ang naisalin sa kanya. Ayon sa aming mga doktor, tanging liver transplant na lamang ang aming pagasa upang mapahaba pa ang kanyang buhay. Sa mga sandaling iyon, madaling sumuko na lamang ngunit ang nagpapalakas ng aming loob ay nang maringgan namin ang aming anak na sinasabing, “Lalaban ako , Mama.”

At nito lamang nakaraang dalawang linggo ay tuloy pa din ang paglala ng kanyang kondisyon. Walang tigil ang pagdudumi niya ng sariwang dugo. Sa puntong ito, tinanong namin siya. Ang makakapagpasaya na lamang daw sa kanya ay kumain kahit man lang tubig, at ang makita at mahawakan ang mga kapatid niya. Gustong gusto pa talaga niyang lumaban para daw makasama niya pa kami ng matagal at gusto na din niyang umalis sa ospital para magpaopera na daw siya - tanggalin na yung mga tusok niya at lalakad daw siya. Sinisisi niya pa ang sarili niya kung bakit siya nagkasakit dahil nakain pa siya ng bawal dati at napakasaya daw niya at kami ang mga naging magulang niya. Labag man sa payo ng aming mga doktor, o tinatawag na ‘home against medical advice’, nagpasya kaming iuwi na lamang siya sa kahilingan na din ng bata na makita man lang ang mga kapatid niya. Bago siya isakay sa ambulansyang maghahatid sa amin pauwi ay 70/30 mmHg na lamang ang kanyang BP. Pinayagan ng doktor si Zyrene na umuwi nang nakaswero na may gamot na pampataas ng BP upang umabot sa bahay.

Ngunit ang Diyos ay tunay na may ibang plano para sa aking anak. Paguwi namin sa Cavite ay patuloy kong minonitor ang kalagayan niya. At sa hindi inaasahang pangyayari, sa unang araw namin sa bahay ay tila milagrong huminto ang pagdurugo sa kanyang suka at dumi. Ilang araw pa ang nakalipas ay unti unti na siyang kumakain. Isang milagrong maituturing ang pagbabago na kanyang kundisyon dahil sa araw araw nating pagdarasal sa kanya. Maging kami ay hindi makapaniwala sa mga pangyayari ngunit ito’y aming ipinagpapasalamat na lamang sa pangalawang buhay na ipinagkaloob sa aming anak. Kaya ngayon ay kukunin na namin itong oportunidad upang maisagawa ang kanyang operasyon na Liver Transplant.

Ano mang halaga na inyong maibibigay ay aming buong pusong tatanggapin. Hindi ko man kayo personal na mapapasalamatan, alam ng Diyos ang kabutihang loob ng inyong mga puso.

________________________

Para makapagdonate, iclick lamang ang link sa Gogetfunding page. Ang Gogetfunding ay tumatanggap lamang ng donasyon sa pamamagitan ng debit/credit card.

Para sa ibang paraan, maaring magdonate sa mga sumusunod na online accounts:

*Bank deposit at

1) PNB

Account Name: Meldie Bautista

Account No. 168310099630

2) BDO

Account Name: Akisha Zyrene Bautista

Account No. 005070322363

3.) BPI

Account Name: Mary Grace B. Polancos

Account no. 8879093377


*Online donations via

4) Gcash:

09226908190

Meldie Bautista

5.) Paypal:

paypal.me/Mageh29


*Ang ibang account na ginamit ay pagmamayari ni Ms. Mary Grace Polancos na siyang nanguna sa inisyatibong gumawa ng fund raising campaign para sa aking anak. Para sa ibang detalye, maaaring akong kontakin sa pamamagitan ng direct message sa Facebook messenger.

Hebrews 6:10, NIV: "God is not unjust; he will not forget your work and the love you have shown him as you have helped his people and continue to help them."

Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon.

______________________

Organizer

Donors

  • Anonymous
  • Donated on May 18, 2020
₱2500.00
  • Anonymous
  • Donated on May 16, 2020
₱3000.00
  • ReyBelEli C
  • Donated on May 16, 2020
Amount Hidden

No updates for this campaign just yet

Donors & Comments

13 donors
  • Anonymous
  • Donated on May 18, 2020
₱2500.00
  • Anonymous
  • Donated on May 16, 2020
₱3000.00
  • ReyBelEli C
  • Donated on May 16, 2020
Amount Hidden
  • Ronald Pacis
  • Donated on May 16, 2020
  • Keep fighting

₱1000.00
  • Anonymous
  • Donated on May 16, 2020
Amount Hidden
  • Dennis Javinar
  • Donated on May 11, 2020
₱500.00
  • Jeff
  • Donated on Apr 24, 2020
  • Praying for your speedy Recovery. God bless you.

Amount Hidden
  • Rosalie and lola Rexy Jingco
  • Donated on Apr 20, 2020
₱5000.00
  • Anonymous
  • Donated on Apr 19, 2020
Amount Hidden
  • Nilo Jingco
  • Donated on Apr 16, 2020
₱20000.00
Show more donors

Followers

8 followers
Lillie De Guzman
Norman Tingchuy
Xerlynn Caparas
Nina Erika Garcia
Nilo Jingco
Mary Grace Polancos
Mary Grace Polancos
Jannina Coleene Castro

Support Campaigns

campaigns

Create a support campaign in seconds!

Support campaigns allow you to get your own fundraising page dedicated to 'Help Zyrene win against Biliary Atresia'

You'll have your own unique link that you can share, and all funds raised will go directly to 'Help Zyrene win against Biliary Atresia'. It's the ultimate way to show your support!

Create support campaign
₱52,000
Donated So Far
Raised offline: ₱41,344.50
Total: ₱93,344.50

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook