We need your help for our mother

  • ₱0.00
    raised of ₱150,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Di ko po alam kung paano ako magsisimula. Alam ko kasi na malaki ang kinakaharap na krisis ng mga tao ngayon. Pero wala po sigurong hindi kayang gawin ang isang tao kung buhay ng taong mahal nya sa buhay ang pinag-uusapan.

Ilang taon na po nagtitiis ang nanay ko sa cancer nya sa dibdib. Hindi po kami nag-attempt na ipachemo or ipaopera si nanay kasi nangangamba po kami na lalong lumubha ang kalagayan nya.. Kaya kung mapapansin nyo po sa litrato ni nanay hindi sya payat at hindi din nakakalbo. Dinaan lang po namin sa Herbal and Supplements lahat. Mahal po si nanay ng Diyos kasi until now kasama namin sya at patuloy na lumalaban

Pero lately po, nagigising ako sa mahinang iyak nya sa gabi habang magaan nyang pinipispis ang dibdib nya. Paupo na lang po sya kung matulog sa gabi. Ang sakit po kasi wala akong magawa. Hindi ko po kasi kayang ipaopera si Nanay. Hindi po birong halaga kasi ang hinihingi ng doctor na tumingin sa kanya, puro herbal at supplements po ang itinutustos namin sa kanya.

Bukod po sa dibdib nya, napansin din po namin na namamanas po ung paa nya, nung pinacheckup po namin, may problema din po sya sa puso kaya lalo pong hindi basta pwedeng operahan.

Nahihiya po akong lumapit sa tao kasi may trabaho naman po ako. Gusto ko pong makaipon at makapagtabi para sa checkup at operasyon ng nanay namin, pero oras po ang kalaban namin. Hinahabol namin ang buhay ng taong naging dahilan bakit kami nabubuhay ngayon. Hinahabol namin ang buhay ng aming ina.

Hindi ko po alam kung saan huhugot ng lakas ng loob at kapal ng mukha para humingi ng kaunting tulong sa mga taong may kaunting labis sa kanilang mga kamay. Pasensya na po kayong lahat. Magbabakasali lang po ako kung may mga magkakawang gawa kahit sa munting halaga lang po.

Kung mayroon pong tao na makapansin nito.
Maari po ninyo akong i-PM.

Maraming Salamat po!🙏🙏🙏

Organizer

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱150,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities