Tulong Para kay Ghi Macalintal

  • ₱0.00
    Donated So Far
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Ako po ay si Jenny. Isang Filipina na nagbanat ng buto sa ibang bansa at bumalik sa Pilipinas upang magsimula ng panibagong buhay kasama ng aking pamilya.

Noong ako ay bata pa at habang lumalaki ay naranas ko ang hirap, at ngayong ako ay may sarili ng pamilya ay nais ko makatulong sa bawat taong naghihirap sa aking paligid. Ang aking higit na nais na matulungan ay ang mga taong may sakit sa isip.

Noong ako manganak, naranas ko ang depresyon sa maikling panahon lamang. Naranas kong makalaban ang sarili kong pag-iisip at nang iyon ay aking malagpasan ay ipinangako ko sa aking sarili na ako ay tutulong sa lahat ng may karamdaman sa isip partikular na ang mga ina na siyang lakas at ilaw ng tahanan.

Hindi man ako mayaman ngunit marami akong kayang magawa.

Ang nais kong matulungan sa unang pagkakataon ay ang aking kapitbahay na si Ghi Macalintal. Siya po ay mahirap na katulad ko din ngunit ang kanyang sitwasyon ay sadyang kahabag habag dahil bukod sa may sakit siya sa kanyang pag-iisip ay nawalan pa ng trabaho ang kanyang asawa.

Pumunta sa aming bahay si Ghi Macalintal na aming kapitbahay at umiiyak. Ninanais na niyang mamatay. Gusto na niyang kitlin ang kanyang buhay. Dahil sa mahal ng gamot sa PIlipinas ay hindi siya nakakainom ng gamot. Umaaasa siya sa tulong ng saging at gatas sa pag-aakalang kakalma ang kanyang isip, ngunit hindi. Ngayon ay problema niya pati ang sakit niya sa baga. Nais na niyang mawala sa mundo.

Nais kong tumulong pinansyal ngunit sapat lamang ang aming pera upang suportahan ang aming pamliya. Kung kaya ay ipinagpasyahan ko na humingi ng tulong thru GoGetFunding upang masuportahan siya sa gamot.

Tulungan po ninyo akong maibalik ang dating si Ghi Macalintal.

Tulungan po ninyo akong mabigyan siya ng pag-asang siya ay gumaling.

Tulungan po natin siya.

Organizer

I am a person who wants to help others. I am not rich but I know I still can help others.

I am a person who wants to help others. I am not rich but I know I still can help others.

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
Donated So Far

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook