Tulong Para kay Ferdie

Fundraising campaign by Jemarie Balbuena
  • ₱0.00
    raised of ₱100,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Isang mapag-palang araw!

Ako po si Grace Luna, partner in life ni Ferdinand Mon-45years old, naoperahan sa puso (angioplasty) noong May 2018. Si Ferdie ay kasalukuyang naka confine sa Our Lady of Mt. Carmel Medical Center, San Fernando Pampanga dahil sa karamdamang UGIB 2° BPUD, GERD vs ACS R/O PANCREATITIS, mula pa noong May 08,2020 hanggang sa kasalukuyan.

Noong May 03 ng hating-gabi si Ferdie ay nakaramdam ng paninikip ng didbdib at nahirapan sa paghinga kasabay ang pananakit ng tiyan,pakiramdam na hindi natutunawan at pananakit ng sikmura. Kaya naman siya ay isinugod sa isang malapit n ospital hanggang sa ma-confine ng 3 araw. Makalipas ang tatlong araw (May 03-05,2020) ay na-discharge na may bayaring P29,000 mahigit. Nagpahinga sya buong araw kinabukasan May 06. May 07 nagdesisyon syang bumalik s trabaho bilang company driver at nakapagtrabaho ng dalawang araw.

May 08 ng hating-gabi muling kumirot ang kanyang tyan sa hindi maipaliwanag na dahilan kung bakit ganun na lamang sya mamilipit sa kirot, na naghudyat na sya ay muling ma-confine sa isang ospital na pinakamalapit lamang sa pinagta-trabahuhan.

Sa mga unang araw sumailalim sya sa kung ano- anong mga tests gaya ng LABORATORY TESTS, X-RAY, ULTRASOUNDS and 2D ECHO at pinainom ng iba't-ibang klase ng gamot para sa puso, sa baga, at sa tyan.

May 09 ng hating gabi, dahil sa paglala ng kanyang kondisyon siya ay ipinasok sa Intensive Care Unit (ICU) at namalagi sya duon ng tatlong araw na pinaniniwalaang nagpataas sa mga bayarin at gastusin. Ngunit dahil sa mayamang awa ng Diyos bumuti ang kanyang lagay.

May 12 inilipat na sya sa Ward upang patuloy pang ma-obserbahan. Bagama't bumuti ang kanyang lagay, hindi tumigil ang pag kirot ng kanyang tiyan. Tumaas ang kanyang temperatura at nagpabalik-balik ang lagnat. Kaya napag-desisyunan ng kanyang mga doktor na isailalim sya sa CT-SCAN upang malaman ang nagiging sanhi ng pagkirot ng kanyang tiyan at lagnat.Sa madaling salita sya ay nagpa- CT SCAN na nagpakita ng resulta na siya ay mayroong "pamamaga at bato sa apdo". Dahil sa resultang iyon, lubos ang aming pag aalala dahil kina-kailangan nanaman syang maoperahan at iyon ay sa lalong madaling panahon ayon sa kanyang mga doktor. Hindi madaling gawin at isipin na kailangan naming maghanda para sa kanyang operasyon nagkakahalaga ng P90-P100K.

Ang halaga na ito ay bukod pa sa kasalukuyang bayarin sa ospital na higit 182K.

Para po sa tulad naming sapat lamang ang pinagkukunan para suplayan ang pang araw-araw sa buhay ay sadyang napakalaking halaga! Dahil po sa patuloy na pagtaas ng mga bayarin sa ospital, nagdesisyon po ang pamilya na magpa-discharge muna si Ferdie dahil sa hindi maisagawang operasyon sanhi ng kakulangang pinansyal n kakailanganin para sa kanyang operasyon at upang hindi na rin madagdagan pa ang bayarin at gastusin sa loob ng ospital.

Kaya po mga kaibigan, kapamilya at mgakapatid sa Panginoon. Bagamat ganito ang ating sitwasyon resulta ng covid-19. Kami po ay nagbabaka-sakali na mabigyan nyo ng tulong na hindi matatawaran. Kaya kumakatok po kami sa inyong mga maawaing puso upang makahingi ng DASAL AT SUPORTANG FINANSYAL na lubos pong makakatulong kung inyong ipagkakaloob para sa malaking halaga na kailangang bayaran upang si Ferdie ay makalabas na muna sa nasabing ospital.

Ano man po ang halaga na inyong mapagpasyahan sa inyong mga puso ay lubos-lubos po ang aming pasasalamat na may kasamang dasal na Diyos ang Siyang magbalik at magpala sa inyong mga buhay!

Lubos na pasasalamat po para sayong buhay!

Pagpalain ka ng Diyos!!!

Organizer

  • Jemarie Balbuena
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱100,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities