SaveRhileyGreyson’sLife

  • ₱200.00
    raised of ₱300,000.00 goal goal
0% Funded
1 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Magandang araw po sa inyong lahat. Bago ang lahat nais kong magpakilala sa inyo. Ako si Janelle Gahilang, tubong Banaue, Ifugao. Ginawa ko po ang hakbang na to para matulungan ang aking mahal na pamangkin sa kanyang kalagayan ngayon. Ang inaakala naming tipikal na lagnat niya ay humantong pala sa Meningitis 😭Sobrang sakit, sama, at bigat ng pakiramdam namin. Gumuho ang lahat, Bago ang lahat nais kong ikwento kung saan to nagsimula, September 11,2018 habang karga ko si baby napansin ko na may sinat sya 37.4 temperature nya, pero okay pa si baby. Active at humahagikgik pa. Habang tumatagal, medjo umiinit na sya. Dun na nmin napagpasyahan na dalhin sya sa E.R. Bago nun, 37.9 na temp. nya. Habang nagreready kami, binuhat ko sya ng bigla nalang syang naninigas at nahihirapang huminga, rinush namin sya sa E.R, muntik pa syang hndi iadmit dahil sa 37.9 lang daw ang temp nya. Naconfine na sya't lahat, binalikan ko sya kinabukasan, okay sya, masaya si baby parang wala ng sakit. Tawa ng tawa, super active. Madaming test ang ginawa sa kanya, kumuha sipa ng specimen sa spinal nya para malaman kung bat sya nagseizure, grabeng iyak at hirap nya, napakasakit 😢 Pagtapos nun, tinurukan na sya ng Anti-convulsant, dun nagbago lahat nagsimula nanaman syang manigas at mahirapang huminga. Nilagyan sya ng oxygen, dahil sa dami narin ng pasyente ay hndi kmi maasikaso ng mga nurse. Naawa ako kay baby, ayaw tumugil sa pagiyak, kaya napagpasyahan nmin na ilipat sa Private. Bumyahe kami papuntang Solano, naadmit sya sa isang private hospital dun. Ginawan sya ng mga test. Turok dun, xray, ultrasound sa ulo, etc. Habang hinihintay ang result pansin namin na nagbago na si baby, napakalamya, parang lantang gulay, hndi na ngumingiti, halata mong hirap na sya, an dami nadin nyang involuntary movement. Grabe, ang sakit sakit. Lumabas ang result at nanlumo kami, may benign viral meningitis si Rhiley. Ang sakit saloob, ng dahil lang sa may humawak sa knya at humalik na may sipon at ubo, nangyari lahat ng to. Sobrang sama ng loob ko saking sarili, ang hilig ko pa naman syang halikan, pano kung ako? Pero sa dinami rami ng humahawak sa knya(family members) hndi na namin alam. Ang gusto lang namin ay gumaling sya, ako po ngayon ay humihingi ng tulong nyo, kelangan nyang maisolate, nakaprivate room, dahil nga sa baby pa sya at sa kalagayan nya. Need na mag undergo ng 10 days monitoring at antibiotics baka sakaling makuha at maalis mga nana sa ugat ng ulo nya. Ako po ay humihingi ng tulong nyo. Malaking tulong na po ang kahit piso, walang maliit o malaki. Sa lahat ng nagbabasa neto, please lang po, lesson learned na sa ating lahat, wag nyo ipapahalik si baby, maski kayo, wag nyo nalang halikan kahit pa super cute ni baby, at the end si baby ang nahihirapan. Hndi daw bababa sa 150k ang magagastos ni baby, ba pa ang gastos sa mga dalawang doctor nya(pedia at neuro) ang gusto lang nmin ay ang makita syang maayos at gumaling na. Sa lahat po ng tutulong, financially and spiritually, morally, at sa lahat, maraming maraming salamat, Alam kong ang Panginoon lamang ang makakapagbalik ng lahat sa inyo ngayon or in the near future. Taos puso po akong humihingi ng tulong nyo para matustusan namin ang lahat ng bills ni baby.

P.S: 4 months old po si baby Rhiley Greyson Flores

Organizer

  • Janelle Gameje
  •  
  • Campaign Owner

Donors

No updates for this campaign just yet

Donors & Comments

1 donors
  • Anonymous
  • Donated on Sep 14, 2018
  • We pray for fast healing and recovery of baby rhiley.Godbless u lil one

Amount Hidden

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱200.00
raised of ₱300,000.00 goal
0% Funded
1 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities