#SaveLizaFromBreastCancer

  • ₱5,300.00
    raised of ₱500,000.00 goal goal
1% Funded
3 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Hello everyone!

Ito po ang aking Mama. Siya po ay si Liza Legaspi, 49 years old from Quezon City, Philippines. Last September 2017, nadiagnosed po siya na may Invasive Ductal Carcinoma Right Breast Cancer Stage IV with Lung Metastasis. Nakatapos na po siya ng 6 cycles ng Chemo Theraphy. Dahil siya lang po ang nagtatayong Ama't Ina sa aming dalawang magkapatid, kahit po na may cancer siya, tinutuloy nya pa rin po ang pag tatrabaho bilang contractor sa mga Barangay. Sa uri po ng ganitong trabaho, hindi po stable ang kinikita na pera. Ako naman po si Carl Beneth Torres, 27 years old, nagtatrabaho bilang call center agent at ang kapatid ko naman po na si Apple Torres, 29 years old, ang katulong ni Mama sa kanyang trabaho. Kahit papano naman po kami ay nakaipon kami para sa na-unang 6 na cycles ng Chemo Theraphy ni Mama sa tulong na rin po ng PCSO.

Unfortunately, nung July 6, 2018 po, ini-emergency admission po si Mama Liza sa Quezon City General Hospital dahil 3 araw na po siyang nilalagnat. Doon na rin po namin nalaman na nagkatubig na siya at nagkahangin na sya sa baga kaya po siya nilagnat. Ang naging diagnosis po sakanya ay Infected Wound Right Breast ; Pleural Effusion to Malignancy vs. Pakapneumonic process, Pneumonia in Immunocompromised Host; Breast Cancer Stage 4 Right Breast with Lung Metastasis. Dahil po dito, nag undergo po sya ng Pleurodesis kung saan nilagyan po sya ng Chest Tube para mabawasan ang tubig at hangin sa kanyang baga at nilagyan daw po ng solution ang baga upang di na magkatubig. (Pleurodesis is a procedure that uses medicine to adhere your lung to your chest wall. It seals up the space between the outer lining of your lung and chest wall (pleural cavity) to prevent fluid or air from continually building up around your lungs.

Sa hindi po inaasahang pangyayari po na ito, umabot na po sa P70,562.60 ang hospital bill ni Mama at mahigit P50,000 po ang mga nabiling gamot mula July 6 to July 24. Dahil na rin po sa tulong ng mga malalapit naming kamaganak at kaibigan at ilan ahensya sa gobyerno ay na-discharged si Mama Liza sa ospital last July 24, 2018.



Bagamat, natapos na po ang mga naunang procedures para sa baga ni Mama, sabe po ng doctor nya, after 1 month daw po, kinakailangan na syang Mastectomy o tanggalin na ang right breast niya upang di na rin mag tubig ang kanyang baga at madamay pa ang mga ibang organs. After po ng Mastectomy, kelangan din siyang i-radiation or i-chemo therapy ulet para mawala na ang cancer sa kanyang katawan. Mahaba-habang laban pa, pero hindi susuko.

Kami po ay nandito para humingi po ng konting tulong na bukal lamang sa inyong puso at ang maisama sya sa inyong mga panalangin. Lubos po naming tatanawin at ipagpapasalamat habang buhay . Sana po ay mabigyan nyo pa po kami ng chance na pahabain ang buhay ng Mama Liza sapagkat siya na lang po ang natitira naming magulang.



Maraming maraming salamat po! Pagpalain po kayo ng Maykapal.

Maaari po kayong mag donate through Paypal or thru Metrobank deposit.

Account Name: Carl Beneth Torres

Account Number: 2253 2259 90264

Maaari din po kayong personal na dumalaw sa Quezon City General Hospital Room 434.

More info: 09228384567 / 09568899166

Organizer

Donors

  • Anonymous
  • Donated on Aug 15, 2018
Amount Hidden
  • Claire Besinio
  • Donated on Jul 31, 2018
  • Nawa po ay gumaling na kayo ng tuluyan. Sorry po maliit lang maiaambag ko pero sana ay makatulong ito. God Bless

₱200.00
Aug 10

UPDATE AS OF AUGUST 9

Update posted by Carl Beneth Torres at 12:32 pm

Nilipat na po si Mama Liza sa ICU kase po nahihirapan na syang huminga at naka tube na rin po siya.

See update
0
Aug 05

August 3 Update

Update posted by Carl Beneth Torres at 02:42 pm

As of August 3, bumagsak yung oxygen ni Mama Liza sa blood niya dahel sa Pneumonia. Nagtry na siya ng mga iba’t ibag face mask for oxygen, and she end up with BIPAP. Nasa ICU na rin siya for close monitoring until now as of August 5.I hope you could

See update
0
Jul 31

July 24 - 31 UPDATE

Update posted by Carl Beneth Torres at 07:54 am

Update as of July 31, 2018Last July 24 ng hapon, nadischarged na po si Mama Liza sa Quezon City General Hospital. Ngunit kinabukasan ng July 25 din ng hapon, nilagnat po siya ulet. Taas baba po ung lagnat nya kaya po nagdecide na po ung mga doctor nya para i-readmit. . . . .

See update
0

Donors & Comments

3 donors
  • Anonymous
  • Donated on Aug 15, 2018
Amount Hidden
  • Claire Besinio
  • Donated on Jul 31, 2018
  • Nawa po ay gumaling na kayo ng tuluyan. Sorry po maliit lang maiaambag ko pero sana ay makatulong ito. God Bless

₱200.00
  • Anonymous
  • Donated on Jul 30, 2018
₱100.00

Followers

3 followers
Mirla Tabla
Cynthia Cebu
Joey Gamit

Support Campaigns

campaigns

Create a support campaign in seconds!

Support campaigns allow you to get your own fundraising page dedicated to '#SaveLizaFromBreastCancer'

You'll have your own unique link that you can share, and all funds raised will go directly to '#SaveLizaFromBreastCancer'. It's the ultimate way to show your support!

Create support campaign
₱5,300.00
raised of ₱500,000.00 goal
1% Funded
3 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities