Save Baby Shiloh Gabrielle – Hirschsprung’s Disease Warrior

  • ₱0.00
    raised of ₱200,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Magandang Araw po.

Ako po si Jona Mae Pahayac, ito po ang aking anak na si Baby Shiloh Gabrielle magdadalawang taong gulang na po sya, ipinanganak ko po sya noong April 28, 2019. Tatlong araw mula ng pagkapanganak ko po sa kanya ay napansin ko po na lumulobo po ang kanyang tiyan, hindi na po sya dumudumi at nagkaroon po sya ng mataas na lagnat. Kaya isinugod po agad namin sya sa pinakamalapit na hospital para matingnan ang kanyang kalagayan. At pagkatapos ng napakaraming laboratory test na isinagawa sa kanya, na-diagnosed po si Baby Shiloh ng Bowel Obstruction Hirchsprung's Disease - ito po ay congenital (namamana) na sakit sa bituka (Large Intestine) kung saan may malaking bahagi po ng kanyang bituka ang hindi gumagalaw para itulak ang kanyang dumi papalabas sa kanyang katawan na nagdulot ng malaking pagbara sa loob ng kanyang bituka na nagresulta sa paglobo ng kanyang tiyan.

Siyam na araw pa lang po si Baby Shiloh nang kinakailangan nya pong sumailalim sa isang operasyon upang maibsan ang sakit at hirap sa pagdumi na kanyang nararanasan. Walang wala kami nun, mga dasal at tiwala sa Diyos lang ang meron kami nung mga panahong iyon. Kaya naisipan ko pong i-post sa Facebook ang kalagayan nang anak kong si Baby Shiloh, umaasang may makapagbigay tulong sa kanya nang sa gayun ay maoperahan na sya ng mga araw na iyon.

Sa awa nga po ng Diyos at mabubuting taong tumulong sa kanya ng araw na po na iyon - May 7, 2019 sumailalim po si Baby Shiloh sa isang Right Transverse Colostomy Surgery. Kung saan gumawa ng maliit na butas sa gilid ng kanyang tiyan upang ilabas ang maliit na bahagi ng kanyang bituka bilang pansamtalang labasan ng kanyang dumi. Naging matagumpay ang unang operasyon ni Baby Shiloh, unti unting bumuti ang kanyang kalagayan, bumabalik na sa dating laki ang kanyang tiyan, nakakapaglabas na sya ng dumi sa gilid ng kanyang tiyan. Naibsan ang sakit at paghihirap ni Baby Shiloh sa pagdumi matapos ang kanyang unang opera. Ngunit kinakailangan pa ni Baby Shiloh sumailalim sa ilang operasyon para tuluyang matapos ang kanyang laban sa kanyang sakit.

Ang aking anak na si Baby Shiloh ay nabubuhay po sa ngayon na may nakakabit na Colostomy Bag sa kanyang tiyan para saluhin ang kanyang dumi na lumalabas sa gilid ng kanyang tiyan. Gayun pa man hindi nagiging madali kay Baby Shiloh ang kanyang kondisyon.

Kasama sa bawat bahagi ng kanyang paglaki ang pag-iingat sa kanyang kondisyon mula sa kanyang pagdapa, paggapang, hanggang sa paglalakad. May mga panahon na nagkaka rashes ang kanyang stoma (bitukang nakalabas) at ang mga nakapaligid na balat sa kanyang tiyan, minsan nakakaranas din si Baby Shiloh ng pagdudugo sa kanyang stoma.

Hindi man madali at naiiba man sa ibang bata ang kalagayan ni Baby Shiloh, nakikita ko pong lumalaking malusog at masiyahing bata ang aking anak sa kabila ng kanyang kondisyon.

Sa ngayon kinakailangan na naman pong sumailalim ni Baby Shiloh sa ilang serye ng laboratory test at isang operasyon ang Pull Through Surgery, ito ay isang surgery kung saan titingnan ang kanyang bituka, hahanapin ang parte na nagkaron nang pagbara at ito po ay puputilin at ilalabas sa kanyang katawan. Ipagdudugtung lamang po ang mga bitukang malusog at walang problema. Ito ang paraan upang unti unting maibalik sa normal na paraan ang pagbabawas ng dumi ni Baby Shiloh.

Dahil po sa hirap na dulot ng pandemya, nahihirapan po kaming maipaopera si Baby Shiloh. Kaya naisipan ko pong gumawa ng isang fundraising upang makalikom ng sapat na halaga para sa operasyon ni Baby Shiloh. Ito po ay ang I'M A LIFESAVER TSHIRT #SaveHDBabyShiloh - lahat ng malilikom na halaga po mula sa pagbebenta ng mga damit po na ito ay mapupunta sa mga operasyon na pagdadaanan po ni Baby Shiloh.

Ito ang paraan na naisip ko po para maoperahan po ang anak ko at matulungan sya labanan ang kanyang sakit para magkaron po sya ng normal na buhay na gaya ng ibang bata. Bilang isang ina hindi madali na nakikita mo ang anak mong nahihirapan labanan ang sakit nya, pero tulad nga po ng sabi nila walang ina ang panghihinaan ng loob kung ang nakikita mo ay isang anak na lumalaban sa sakit nya at buhay makasama ka lang nya.

Magdadalawang taon na po na pong nakikipaglaban si Baby Shiloh sa kanyang sakit. Naway samahan nyo po si Baby Shiloh sa kanyang pinagdadaanan. Naway matulungan nyo po ang anak ko at mabigyan ng pag-asa na mamuhay ng normal gaya ng ibang bata. Naway magsilbi po kayong bayani at angel sa buhay ng aking Baby Shiloh Gabrielle.

Maraming Salamat po at God Bless po.

Fundraising Team

  • Alia Aguila
  •  
  • Campaign Owner
  • Jona Mae Pahayac
  •  
  • Fund recepient

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱200,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook