Save A Heart Campaign for Mama Jean

  • ₱0.00
    raised of ₱300,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Good day! Ako po si Jeanniel, 25 years old, nais ko po sanang humingi ng financial assistance para sa aking mama na si Jean E. Villanueva, 54 years old. Si mama po ay na-diagnose na may Hypertensive Cardiovascular disease, 1 vessel Coronary Artery Disease, Sinus Rhythm, NYHA Functional Class I at Diabetes Mellitus Type 2 Chronic Kidney Disease on Hemodialysis. Kasalukuyan po kaming naka-admit sa Philippine Heart Center mula July 19, 2018. Kami po ay inendorse na mag-undergo Coronary Artery Bypass Grafting (CABG) with Double Valve Replacement, Mechanical. Ang schedule po ng operation ay sa August 2, 2018.

Ang estimated cost po ng operation ay P800K-P1.2M. Requirement po ng ospital na magdown ng P450K bago makapagpa-schedule ng operation. Sa tulong po ng Medical Services ng PHC, pumayag po ang ospital sa 332K na LOA bilang down payment mula sa Flexicare (HMO) ngunit ito na po ang maximum benefit limit na maaari naming gamitin. Na-consume na rin po ni mama ang kanyang Philhealth benefits dahil sa 3 times a week nyang dialysis.

Nais ko po sanang humingi ng financial assistance para sa operasyon ng mama ko. Dalawa po kaming magkapatid na nagtutulong para sa kanya. Single parent po kaming tinaguyod ng mama ko.

Ayon po sa mga doktor at resulta ng mga tests, napakataas po ng risk ng operation gawa ng Kidney failure at status ng puso nya. Doble na po ang laki ng puso nya dahil sa leakage ng dugo gawa ng sirang valves at 37% na lamang ang ejection fraction nito. Excluded sa estimated cost ng operation ang anumang complication na huwag naman po sanang magkaroon, maging ang comprehensive dialysis na gagawin pagkatapos ng operation.

Kami po ng kapatid ko ay nangakong gagawin ang lahat para sa ikakagaling ng aming mama. Siya po ang pinakaimportanteng tao sa buhay namin. Sa kanya po nanggagaling ang lakas namin.

Maraming salamat po sa anumang tulong na maipagkakaloob nyo po sa aming pamilya.

God bless us all.

BPI account name and number:

Jeanniel V. Reyes / 0189265972

Organizer

  • Jeanniel Reyes
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱300,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities