Preemie Baby Elijah’s fight with ROP

  • ₱0.00
    Donated So Far
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Ako po si Christine Ara Lacerna-Hernandez, ako po ay may kababaang loob na lumalapit po sa inyong may mabubuting puso at kalooban upang humingi ng tulong para sa pagpapaopera ng aking anak na si Elijah Lorenzo Hernandez apat na buwang gulang. Retinopathy of Prematurity po ang kanyang karamdaman na maaaring magnakaw ng kanyang paningin at makapagpahirap sa kanyang kinabukasan kung kaya nangangailangan po syang sumailalim sa isang eye surgery na tinatawag na vitrectomy upang maiwasan ang pagkabulag ng kanyang mga mata. Sya po ay ipinanganak noong June 23 ng taong ito na kulang sa buwan at nanatili sa Neonatal Intensive Care Unit ng aming ospital sa probinsya ng mahigit isang buwan. July rin po ng taong ito dalwang linggo makaraang sya ay madischarge sa NICU ay muli namin syang naipaconfine sa ospital dahilan sa pagkakaroon nya ng pneumonia. Ito po ang ikatlong pagkakataon na sya ay nagkaroon ng medikal na pangangailangan. Hindi pa po kami tuluyang nakakabangon sa gastusin at sa mga utang dahilan sa mga nauna nyang karamdaman. Hirap na po kami na lumapit sa aming mga nalapitan nung una. Wala na po kaming ibang malapitan. Ako po ay isang job-order employee na sumusweldo ng minimum sa isang sangay ng gobyerno at ang akin naman pong asawa ay nagseservice ng mga basic na problema ng mga computer at cellphone, ngunit wala po kaming kakayahang tugunan ang pagpapaopera ng aming anak at ang mga medikasyon na kakailanganin nya matapos ang operasyon. Sana po kami ay inyong matulungan at mabigyan ng pag-asang makakita ang aming anak at magkaroon ng magandang kinabukasan. Malaking tulong at ginhawa po ang kahit anong halaga na maibibigay ninyo. Ang aming pamilya ay taos pusong nagpapasalamat sa inyo. Pagpalain po nawa kayo ng Poong Maykapal!


Organizer

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
Donated So Far

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook