PPEs for Zambales COVID-19 Frontliners

  • ₱0.00
    raised of ₱500,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Alam kong marami sa atin ang walang kita sa panahon ngayon. Gayunpaman, umaapela po kaming mga Zambalenyo sa inyo na magtulung-tulungan upang makalikom ng donasyon pambili ng PPEs ng mga frontliners - doktor, nurses, nursing assistant, med tech, atbp- para pangalagaan tayo kontra COVID-19 sa Zambales. Sila ay karamihang nasa Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital (PRMMH) na syang sentro ng COVID-19 treatment facility sa Zambales.

Mamamahagi din po tayo ng suporta sa Philippine Genome Center at RITM kung saan ang nga nagsasagawa ng pag-aaral ukol sa COVID-19 ay nauubusan na rin ng PPEs. Kung kinakailangan at kaya pa, maaari din tayo makapamahagi sa mga may high volume na cases ng COVID-19 sa Maynila.

Ang malilikom na halaga ay ibibili ng mga sumusunod:

1. N95 mask - Php170-175 each x 1,500 pieces = php 255,000 - 262,500

2. Face Shield - Php 600 each x 100 pieces =php 60,000

3. Coveralls - Php 1,200 each (pero naghahanap pa ng mas murang supplier) = amount to be announced

4. Shoe Covers- naghahanap pa ng supplier = amount to be announced

5. Gloves at iba pa - naghahanap pa ng suppliers

Habang hinihintay po natin ang PPE mula sa gobyerno, minabuti po ng ilang concerned citizens ng Zambales na mag-raise ng pondo para maprotektahan ang mga Zambalenyo at makapamigay ayuda sa mga ahensyang nag-aaral sugpuin ang COVID-19. Alam po natin na maging malalaking ospital sa Maynila ay nagkakaubusan na, at malamang ay hindi priority sa distribution ng mga dumating nang PPE ang karamihan ng ospital. Nais po namin kayong anyayahin upang makibahagi.

Kung may mga kilala pa po kayong suppliers na may mas mababang halaga, ipagbigay-alam po lamang.

Pangalagaan po natin ang ating frontliners. Sila ang susi para labanan natin ang COVID-19. Para po ito sa atin, mga kapamilya at kababayan lalo na sa Zambales.

Bukod dito, panatilihin pong i-observe ang social distancing at proper hygiene.

Maraming salamat po.

#flattenTheCurve

#bayanihanSaZambales

#ProtectOurFrontliners

Organizer

  • Rowena Dalosa
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱500,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities