My Father’s Medical Funds

  • ₱0.00
    raised of ₱100,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Our family needs financial support for my Father's medication. Her is suffering from multiple lung diseases for the last 3 Months. 2 months ago my Mom texted me at sinabi na may iniindang sakit si Papa. Sabi ko 'wag ipagsawalang bahala. Nagpadala ako ng pera para mapa-check-up si Papa. Nasa Laguna sila that time. At ang unang findings sa kanya ay may Pneumonia at TB s'ya. Since libre naman ang gamot sa satelite health center para sa ganoong sakit. Kampante po kami na gagaling si Papa. Pero hindi ganun ang nangyari. Parang lalo s'ya lumalala. Hanggang isang araw umiiyak si Papa kay Mama na masakit ang likod at balikat n'ya. Sabi ko dalhin na sa Hospital. Nadala s'ya sa Hospital pero kulang ang medical equipments sa mga provincial hospital. Kaya sabi ko dito nalang sa Manila, sa PGH. Ang problema naman, tinagggihan o hindi tinanggap sa PGH dahil malala at nakakahawa daw ang sakit ni Papa kaya nirefer s'ya San Lazaro Hospital. Dahil may TB Center mismo ang San Lazaro Hopital. The same day na lumuwas sila ng Manila, nahospital naman ang asawa ng kapatid ko at nanganak ng 6mos old na baby. Sa madaling salita sabay na-hospital si papa at ang asawa at baby ng kapatid ko na sabay din namin sinusuportahan sa gastusin sa Hospital. Ang kapatid ko ay walang regular na trabaho. Pero sa ngayon ok na po 'yung 6mos old na baby. Nakalabas na sa ICU. Sa dami ng gastusin sa gamot at mga kailangan bilhin sa labas na medical goods nahihirapan po kami ng pamilya ko. Noong nasa San Lazaro Hospital si Papa. Sabi ng Doctor posibleng hindi lang Pneumonia at TB ang sakit ni papa. May iba pa syang sakit. At nirecommend na ipa-ctscan si papa. Pero walang ctscan sa San Lazaro Hospital. Nakalabas sa San Lazaro Hospital si Papa na bumuti ng bahagya ang kalagayan n'ya. Nitong kailan lang s'ya na ctscan dahil kapos na po kami sa pera. At doon nalaman na may tubig sa baga si papa. Bago s'ya ma ctscan namamaga na ang kanyang dibdib at umabot na sa balikat at mukha. Kaya dinala na namin s'ya sa Lung Center nitong Lunes ng gabi (April 3, 2017). Hanggang naoperahan nitong Martes ng umaga (April 4, 2017). Pero kahit nawala na ang tubig sa baga n'ya ay hirap pa rin s'yang huminga kahit naka-oxygen s'ya. Naaka ilang X-RAYs na rin at hindi pa rin talaga matukoy kung ano ang ibang sakit ni Papa. Sabi ng Doctor, ipa-ctscan ulit si papa para makita kung may bukol ba o kung ano ang nasa baga lungs n'ya since waga ng tubig sa baga. Sinabihan na rin kami na maghanda ng pera para sa biopsy. Pero hindi na kaya ni Papa ang humiga ng nakatihaya ng matagal kaya kailangan n'ya muna magpalakas. Kaso hindi namin s'ya maipa-admit dahil 2500/day ang room na available dahil puno ang public ward. April 6, 2017 pinalalabas na si Papa sa Hospital dahil hindi pwede na nandoon lang s'ya sa ER. Hindi na namin kaya ang ganoong gastusan araw-araw. Lalo na't mula noong April 4 ng umaga na naoperahan s'ya at inalis ang tubig sa baga n'ya hanggang April 6 ng umaga ay umabot na ng P21,000 agad ang bill sa hospital. Naniniwala po ako na bilang isang anak, gagawin po natin ang lahat ng ating makakaya para matulungan ang ating magulang sa abot ng ating makakaya. Ako po ay isang regular empleyado lang na hindi naman kalakihan ang sinasahod. Ang mga kapatid ko naman ay kumikita lang bilang sidewalk vendors. Sana po ay matulungan po ninyo kami na makalikom ng funds para sa tuluyang gamutan ng Father ko.

Pwede din ninyo ako ma contact sa number na ito. 09275552213

Para sa inyong tulong pwede po kayo magpadala direct sa bank account ko.

Jonathan Bato 3530222016 (BDO)

Maraming salamat. God bless you all.

Organizer

  • Jonathan Bato
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱100,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook