My Battle for cervical cancer

  • ₱0.00
    raised of ₱200,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

hi ako po si Honeylee Delarmino, 29yrs old, single mom ng isang cute at bibong 2yrs old na batang babae. Ako po ay na diagnosed na may cervical Cancer stage 3c1. Hindi agad naagapan dahil late na lumabas ang sintomas at stage 3 na agad ng lumabas sa resulta base sa mga laboratories at ultrasound. Ako po ay nag papagamot sa PGH, pero sa kadahilanang wala po akong philhealth ay nahihirapan kame sa mga gastusin. Ako ay nakatira lamang sa mga magulang ko na retired na at may maliit na pension lamang, online selling lang pinagkakakitaan ko at hindi ganun kalaki ang kita ko dito. Minamadali na kame ng mga doctor na mag pa radiation, chemo at brachytherapy. Dahil masyado ng malaki ang bukol sa aking cervix. Araw araw nahihirapan akong maglakad, kahit ang simpleng pag upo sa kama ay masakit at kinaiiyak ko minsan. Gabi gabi akong umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil hindi tumatalab ang pain reliever ko... Pero lumalaban ako, dahil gusto ko pang mabuhay. Masyado pang bata ang anak ko, gusto ko pa syang makasamang lumaki at mag ka pamilya. Ako po ay kumakatok sa inyong mabubuting puso at humihingi ng konting donasyon para maisagawa agad ang aking gamutan. Kahit gaano kalaking halaga, o kahit ang simpleng pag sama nyo lang po sa aking sa inyong mga dasal ay napakalaking bagay na po. Kaya maraming salamat po...

Organizer

  • Honeylee Delarmino
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

1 followers
Honeylee Delarmino
₱0.00
raised of ₱200,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities