Mother’s Love

Fundraising campaign by Ronald Naguit
  • ₱0.00
    raised of ₱900,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Hi I'm Ronald Naguit, last 2011 nag abroad si Nanay sa Dubai, sya po ay si Rhodora D. Naguit, Domestic Helper, pero part time lang, umuuwi sya sa Pinas every after 1 year or more, wala syang ibang inintindi kundi ang maipaayos ang bahay nila ni Papa sa Muzon Bulacan. Huling alis nya is Oct.10, 2018 para makapag ipon para makapag simula nang Negosyo, ayaw na rin kasi nyang umalis after nuon, pero.... Dec. 12, 2018 hindi inaasahan, tumawag ang tita Susan ko at binalita saamin na si Nanay ay nakitang wala malay sa banyo nang apartment na tinitirhan ni Nanay, ang sabi humihinga pa raw sya nuon nang dalhin sa Ospital, Rashid Hospital, pero malalim daw ang magkakahimbing ni Nanay, they do Citiscan to my Mom and they've found na may ruptured aneurysm na sya, and they immidiately do the operation since anduon si tita sya ang pumirma, naging okay naman ang operation, but after ilang days and sessions of treatments they declare my mother as brain dead, gumuho ang mundo ko bilang isang anak, wala akong magawa dahil andito ako sa Pilipinas, pinrocess ko and passport and sila tita naman ay yung visa and ticket, Dec. 25, 2018 11:40pm dumating ako sa Dubai at dumiretso sa Rashid Hospital, duon nakita ko naka respirator si Nanay, okay ang heartbeat and pulse nya, kinausap ko sya alam kong naririnig nya ako, sinabi kong mahal na mahal ko sya at gusto kong lumaban sya, at kahit na hindi sya nakakapag salita or respond sa mga sinasabi ko alam ko naririnig nya ako nuon, at alam kong may gusto syang sabihin, alam kong bilang isang ina gusto nyang sabihin saken na anak mahal na mahal kita,. Gusto nya lang na makapunta ako nang Dubai, ito ang pangarap nya ang maitapak ko ang mga paa ko sa Dubai, dahil gusto nyang makapag abroad rin ako nuon. After nuon maayos naman lahat pulse nya and heart, sumama muna ko kila tita sa apartment nila para makapagpahinga, pagdating namin sa apartment hindi pa kami nakakaupo sa upuan tumawag ang ospital, emergency daw, dumating kami sa ospital Dec. 26, 2018 nakikita ko siniCPR sya they do everything pero nung nakita ko sa monitor na walang nagbabago gumuho ang mundo ko, 1:36am Dec.26, 2018 nawala na sya, sobrang sakit dahil naramdaman kong hinintay nya na lang akong dumating, lumaban sya mula day one until that day para lang marinig ang boses ko nang personal, she wait for me na makarating sa Dubai para sa huling sandali na marinig nya ang boses ko.

Ngayon alam ko masaya na sya. Makakapagpahinga na sya nang maayos. Gusto ko lang rin ilapit nang tulong dahil malaki ang naging hospitalization ni Nanay, hindi sya nakapag renew nang insurance sa Dubai, and wala ring trabaho ngayon yung sponsor nya, actually si Nanay nag ssponsor sa sarili nya, dahil wala namang trabaho yung sponsor nya dito dahil na terminate, ginamit lang yung Name para makabalik sya sa Dubai, humingi na kami nang tulong sa mga charitys pero narereject kami, hindi naman ihohold nang ospital yung katawan ni Nanay, maiuuwi rin ko rin naman sya pero we've decided na icremate sya, and ospital okay lang naman sa kanila na installment ang pagbabayad, but that's all they can do, still hindi naman namin kayang magbayad nang 900,000 pesos katumbas sa pera sa Pinas or 64k dirhams, humihingi sana ako ang tulong sa inyo upang makapagbayad kami sa ospital, even though mailalabas at maiuuwi si Nanay, ayaw naman naming takbuhan ang ospital, dahil naging mabuti sila at matyaga sa pag sasalba nang buhay nang Nanay ko. Sana po matulungan nyo ako.

Organizer

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱900,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities