Financial Assistance for Baby Gab

  • ₱4,990.00
    raised of ₱1,000,000.00 goal goal
0% Funded
7 Donors
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Nagsimula po talaga nun maconfine si Gab last Dec. 28, findings po ay amoeba. Nakalabas kami after 3days at ng agree na sa bahay na lang ituloy ang gamutan. Yung antibiotic na inireseta sa kanya ay automatic for 10days, eto po ay vial so need inject dun sa heplock.

Dec. 31 nakalabas na kami, successful pa ang pg inject sa heplock.

Jan. 1, morning, hindi na naging successful ang pg inject, may namuo ng dugo sa heplock, so need ilipat sa ibang kamay or paa ni Gab.

Me as a mom, nanlulumo at tutusukan na naman un anak q, iiyak at masasaktan na naman si Gab, hindi ko napigilang mgiiyak. So ang inoffer na lang na resolution ni doc at iadmit ulit para atleast mabantayan at masigurado di mgbara ang heplock. So ng-agree kami doon.

Jan. 6, around 9pm or past 9pm, dumede si Gab, (hindi ko matandaan gaano katagal) after mgdede (typical na gawain ni mami) pburp si baby at tagal ko kalong (ayaw niya binababa siya agad), hanggang sa nakaramdam na ko na naiihi aq, binaba q si Gab para umuhi. Nagising si Gab, naglaro (matagal tagal din) hanggang sa ng error si infusion pump (ngaalarm, mejo naingayan si Gab), so tumawag kami ng nurse para ipaayos, saktong umiyak si Gab, kinalong q, saglit pa lang umiiyak si Gab napansin q nagiiba kulay nya (un labi ng dark, sinabi q agad ky ate nurse na parang ngiiba kulay ni baby, cardiac arrest n pala si baby) hanggang sa buong muka niya na yung nangitim, tapos wala ng iyak na maririnig, di na din nagalaw si Gab (mabilis naman response ni ate nurse), bigla nyang kinuha si baby at ng start ng CPR habang aq nasa gilid at di malaman gagawin, hanggang sa sinabi ni ate nurse na tumawag na kami sa nurse station to ask for help (dali2x namang tumawag si hubby ng tulong) hanggang sa narinig na lang namin na "Code Blue sa 4th floor", lahat ng residenteng doctor sa floor ay ngpunta tntry irevive si baby. Kaming mgasawa ay halos mabaliw baliw na, parang ang tagal tagal ng oras na lumilipas, pero walang iyak ni baby, wala. Hindi namin alam ano ang nangyayari sa loob ng kwarto, lahat sila pumapasok sa kwarto pero kami di pa din pwedeng pumasok. Umabot ng 20minutes bago kami nabigyan ng balita na narevive si baby, 7 epinephrine ang ginamit sa kanya (talagang lumaban si baby). Sabi nila normally ay 5-10mins lang and 4-5 lng ng epinephrine sumusuko na, pero si Gab lumaban umabot ng 7.

After marevive ni Gab kami nstart ma-ICU, Jan. 7 (around 12am) kami nailipat sa ICU.

Sabi ni pedia kukuha siya ng mga specialist since ang tagal bago narevive ni baby, gusto nya macheck lahat to make sure na ok si baby. Meron kaming Cardio, Neuro, Intensivist, Pulmo at Infectionist.

Sinabihan kami agad ni Intensivist ng makita nya ang xray ni Gab (kinuha after marevive) na parang my matinding infection at my tama ang baga pero papaulit nya dw after 6hrs after marevive para ms maganda ang maging result, mas makikita, nabanggit nya din na mukang kelangan ng blood transfusion pero ichecheck pa din.

After ng mga lab test ni Gab, confirmed my matinding infection si Gab (sepsis) at may tama ang baga (hospital acquired pneumonia).

Everyday super daming lab test ang ginagawa ky Gab, bilang nanay masakit makita na kailangan tusukan ng tusukan ang anak mo, pero ano bang magagawa q kung doon siya gagaling.

Intubated si Gab right from the moment na naipasok kami sa ICU (nakakadurog ng puso makita pero kailangan). Every now and then ng seseizure (nakakastress at nakakatakot, pero kelangan maging matapang dahil lumalaban si baby). Laging ang bilis ng tibok ng puso and laging hinahabol ang hininga.

Dumating pa sa point na kelangan lang siya patulugin dahil maya't maya ang seizure. Ganon pla yun seizure sa baby simpleng pg chills (pag sa matanda), seizure na sa baby un, twitching ng eyes, considered seizure nadin.

Sobrang daming dextrose na nakakabit sakanya, my pang support sa heart, my pang seizure, my png sugar, halos, lahat ata nasa kanya. Bawal pa din xa ipafeed nun mga unang araw nya. Pero hindi napagod si baby lumaban, tuloy tuloy xa lumalaban, tuloy tuloy na lumalakas.

Everyday halos bad news naririnig namin, nkakapanlumo pero hindi pwedeng bumigay, ang amin hanggat kaya namin ilaban ilalaban, hanggat lumalaban si Gab lalaban. Hanggang sa natapos un mga dark days, eto na umuulan na ng good news... Dahil na din sa inyo, sa, prayers nyo. Sa walang sawang pgtulong sa amin financially and through prayers (na sobrang powerful), maraming maraming salamat po at hindi kayo nasawang tulungan si baby Gab, oo namomroblema kami sa pangbayad dahil more than half million na (wala pang PF ang mga doctors namin) pero mas mahalaga ang makasurvive at well baby xa after this.

Fast forward : extubated na si baby, stable ang heartrate, hindi na kinakapos ng hininga, tuloy2x na xa pinapafeed (still sa tube) every 4hours pa din pero 4ounces na, tomorrow ipapalatch na (day 18 namin s ICU), my isang test pa plan gawin sakanya (lumbar puncture, to check if my meningitis) then after nun iobserve na lang kami sa room..

Update, nakalabas si baby natin sa ICU... regular room na po.. Continue ang gamotan til day 21. Wala pa instruction after that if my need bang mga test ulit. Under observation pa din si baby, esp. mga activities nya (like un paglalaro, mas gising ba, reactions nya, etc).

Cardio - signed off last jan. 8 (since eversince and after ng mga test nya wala talagang problem sa heart nya)

Pulmo - signed of last night, ok naman dw n un tunog ng baga ni Gab. Ginagamot pa din pneumonia nya, pero ganda talaga improvement ni gab

Kami po ay lumalapit sa inyo naun para humingi ng tulong financial lalo na po at matatapos n ang antibiotic nya bukas (Jan. 28), napakalaki po talaga ng aming bill ngayon at di malaman saan kami kukuha ng pangbayad. Opo marami hingian ng tulong (Govt. Agencies) pero hindi din naman po nila sasagutin 100% ang aming bill. Yung mga naunang tulong na aming natanggap naman po ay nauwi lng sa pangbili din ng gamot nya araw2. Sana po ay mtulungan nyo kami. Maraming maraming salamat.


Organizer

  • Abigail Magboo
  •  
  • Campaign Owner

Donors

  • Angelina & Jojemar Lastimosa
  • Donated on Feb 12, 2020
₱2500.00
  • Guest
  • Donated on Jan 28, 2020
₱590.00
  • Anonymous
  • Donated on Jan 19, 2020
Amount Hidden

No updates for this campaign just yet

Donors & Comments

7 donors
  • Angelina & Jojemar Lastimosa
  • Donated on Feb 12, 2020
₱2500.00
  • Guest
  • Donated on Jan 28, 2020
₱590.00
  • Anonymous
  • Donated on Jan 19, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jan 17, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jan 17, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jan 17, 2020
  • Get well Baby Gab

Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jan 16, 2020
Amount Hidden

Followers

3 followers
Gladys Fredelle Ocon
Karen Santos
Cheneelysin Caratigan
₱4,990.00
raised of ₱1,000,000.00 goal
0% Funded
7 Donors

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook