Let’s all give back by helping Major Arthur (MacMac)

  • ₱0.00
    Donated So Far
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

We need your help and support here for Arthur "Macmac" Macaro as he underwent Bypass/Open Heart Surgery. If you know Macmac, you know that he will give everything he has to someone who is really in need. He is such a generous person.


He is Arthur Orias Macaro 58 years old. He was born on Feb 28, 1961 in Daet Camarines Norte. Noong nasa elementary hanggang College sya pinapasok nya lahat ng pwedeng trabaho pra kumita upang ipang tustos sa knyang pag aaral dahil pangarap nyang pumasok sa Philippine Army at magsilbi sa bayan. 1985, pinalad sya na maging isang sundalo. Nagsilbi sya sa bayan bilang isang opisyal, nadestinto sa ibat ibang parte ng Pilipinas. Nalayo sya sa amin na halos ilang beses lang sa isang taon km mgkasama sama. Wala sya sa mga mahahalagang okasyon na dumaan sa aming mga anak nya at lalo na sa Mama namin. 2009, nagdesisyon magretired ng maaga upang mas makasama pa kaming pamilya nya. Matagal kami nangupahan ng bahay dahil noong nasa serbisyo pa sya wala kaming kapasidad bumili ng bahay at lupa. Kaya noong nakapagretiro sya ang unang plano nya ay mkabili ng lupa at mapatayuan ito ng bahay, na natupad naman kahit hindi pa tapos ang bahay namin sa ngayon. 2012, muli syang nagtrabaho bilang Security Officer sa ibat ibang private agency. Mula na naman noon ay naging bihira na ulit namin sya makasama dahil busy na sya sa mga duties nya dahil madalas syang graveyard shift. Mula noon ay wala nman syang nababanggit o iniindang sakit nya, ang alam namin ay malusog at malakas sya.


Then, July 17, 2017 bigla nalang syang umuwi from Quezon City kung saan nkabase yung work nya and he complaints the he is having chestpain and difficulty of breathing. Dinala agad namin sya sa hospital at doon nga nalaman na tumaas na agad ang Creatinine Level nya at ang tanging treatment na nararapat sa kanya ay ang Lifetime Hemodialysis. Nabigla talaga kaming pamilya dahil ang buong akala namin si Papa ay malusog at malakas. Ni hindi namin naisip na meron na pala syang malalang sakit na pwedeng tumapos sa lahat ng pangarap nya sa aming pamilya nya. Nagdesisyon agad kami at pumayag sa sinabing treatment. Simula noon madami nang nagbago sa buhay ng pamilya namin. Napakadami nyang maintenance medications at mga pagkakataong nahihirapan sya. Nov. 26, 2017 Biglang tumigil ang mundo namin ng tumawag ang Nurse ng Hemodialysis Unit at sinabing wala daw BP si Papa at 50/50. Agad namin syang inilipat sa isang Tertiary Hospital sa Maynila upang mas mamonitor ang kalagayan nya at doon namin nalaman na nastroke sya at kinailangan maconfine sa Intensive Care Unit. Mahigit isang linggo kami sa hospital bago nakauwi. June 30, 2018 Takbo na naman sa Emergency Room dahil na naman sa Chestpain at hirap huminga. Naiconfine nang ilang araw sa Primary Hospital dito sa probinsya ngunit naiadvice sa amin ng Doctor nya na kailangan nya matransfer kaya nagdesisyon na naman kami na ibalik sya sa Tertiary Hospital sa Maynila at doon nakita na inatake sya sa puso at may tubig sa baga. Hanggang July 26 pabalik balik kami sa hospital dahil sa parehong problema. Sep. 3, 2018 Habang nagdadialysis si Papa inatake sya ng sakit ng dibdib at nakita na inatake na naman sya sa puso kasabay ulit ng hirap ng paghinga. Agad namin itinakbo sa Hospital sa Maynila na Eksperto sa Puso. Isinagawa ang Coronary Angiogram at nalaman doon na may bara na ang 3 ugat sa puso ni Papa at kailangan nyang sumailalim sa Bypass or Open Heart Surgery ngunit dahil sa kawalan namin ng kakayahang bayaran ang operasyon hindi namin itinuloy. Narelieve ng mga gamot ang sakit sa dibdib at hirap ng paghinga. June 26, 2019 Almost 10months mula nung huling confinement ni Papa eto na naman at kailangan na namin syang itransfer muli sa Hospital na Eksperto sa Puso at tinapat na kami ng Dr na kailangan nyang sumailalim sa Open Heart Surgery as soon as possible, hindi na namin alam kung ano pang desisyon ang dapat naming gawin basta ang tanging alam lang namin ng Mama ko nung oras na yun ay madugtungan ang buhay ni Papa dahil sya ang buhay namin. Marami pa kaming pangarap na kasama sya. Kahit lumaki kaming hindi sya madalas kasama dahil sa trabaho nya ay parang hindi namin kakayanin na habambuhay syang wala sa piling namin.

June 27,2019 naisagawa agad ang Emergency Coronary Artery Bypass Graft, after ng operation diretso sya sa Surgical Intensive Care Unit. After 15hours nagising na si Papa at narelieve na kaming lahat na naghihintay sa kanya. Totoo ngang fighter si Papa tulad ng pakikipaglaban nya noon nung sya ay Sundalo pa. Kahit may sakit na sya nature na sa kanya ang pagiging strong at courageous. Sa ngayon patuloy syang nakaconfine sa SICU para mamonitor pa dahil unstable padin ang condition nya. Sa lahat po ng tutulong sa amin lubos po namin itong pasasalamatan, hindi po namin kaya itong mag-isa kailangan po namin ng tulong mula sa inyo. Patuloy nyo din po sanang ipagdasal ang buong pamilya namin lalung lalo na si Papa na sana ay malagpasan namin ito ng kumpleto. Godbless Us All!


For those who prefer depositing via bank you may choose bank details below:

Bank: BDO

Account No.: 007540242504

Account Name: Ivy Marriz Macaro

Bank: BPI

Account No.: 3309-4961-82

Account Name: Ivy Marriz Macaro

Organizer

  • Iris Coleen Macaro Reyes
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

1 followers
Nicoletta Macaro
₱0.00
Donated So Far

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook