A Fund Raising Campaign for Raymund Logatiman
Fundraising campaign by
Rezel Logamitan Pimentel
-
₱0.00raised of ₱600,000.00 goal goal
Campaign Story
Isang maganda at mapagpalang araw po sa inyo Ako po si Rezel Logatiman Pimentel. Panganay na kapatid na babae ni Raymund Logatiman, siya po ay 26 taong gulang kasalukuyang nakaratay dahil sa kanyang karamdamang ‘Stage 4 – Kidney Failure’.Nagda-dialysis po siya tatlong beses (3x) isang Linggo upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Kami po ay kumakatok sa inyong mga puso, at umaasa po sa inyong tulong pinansiyal para sa kanyang pagpapagamot.Mahirap lang po kami, at sa laki ng gastusin po, hindi na po namin alam, sampu ng aking Magulang at kapatid, kung saan kukunin ang pangtustos lalo na po sa pambili ng kanyang gamot.Naniniwala po ako na ang inyo pong tulong ay napakalaki pong bagay para humaba din po ang kanyang buhay, at naniniwala po ako na may Awa ang Panginoon. At nawa’y ibalik po ito sa inyo ng Panginoon ng liglig, siksik at umaapaw.
Madami pa po siyang pangarap sa buhay, at mabuhay ng matagal. Dun po siya kumukuha ng lakas at lumalaban sa kanyang karamdaman at naniniwala po siyang may mabubuting loob ang tutulong sa kanyang kalagayan. Lalo na po sa Diyos na lumikha. Nagpapasalamat po ako ng mula sa aming puso, mula sa aming pamilya.Marami pong SALAMAT sa inyo pong tulong upang magamit po sa kanyang ‘kidney transplant’.
Kami po ay kulang sa kaalaman sa ganitong sakit, at di po nya alintana ang pagkakaroon ng kidney failure, sa anong dahilan – hindi ko po nya alam. Wala naman po siyang bisyo tulad ng mag-inom at manigarilyo. Iniisip ko po namin marahil, dahil sa mga iniinom or ipinaiinom na gamot sa kanya noong ako’y bata pa siya. Baka isa din pong dahilan ang kakulangan ng tama at masusustansiyang pagkain dahil sa aming kahirapan sa buhay. Madalas toyo at asin na may konting asim ang madalas na hain sa aming hapag kainan, na walang nagbabawal sapagkat kailangan natin na kumain upang mabuhay. Inisip ko po na malamang sa linya ng kanyang trabaho bilang taga spray ng insecticide sa mga tanim na manga para ito’y mamunga. Ito po ang kinamulatan nyang trabaho. Dahil sa ito ang kanyang nakasanayan, di po siya nagtatakip ng ilong, at malaya niyang nalalanghap ang amoy ng insecticide. Simula po noon, doon po nya naramdaman ang pananakit ng aking katawan lalo na po sa bandang likuran, sa may bandang beywang. Ipinagwalang bahala ko po niya ito, at inaakalang ito’y dala lamang ng pagod o di kaya naman ay Pasma o napasukan ng lamig. Kadalasan nadadala sa hilot o iinuman ng gamot na hindi po riseta ng Doktor at nawawala naman po ang sakit kaya’t tuloy po kanyang trabaho. Saktong sakto lang po ang kinikita niya trabaho ngunit kadalasan po ay kapos pa, kaya Tiyaga lang po ang kanyang puhunan. Hanggang sa ang sakit na po na iyon ay nagtuloy tuloy na hanggang sa ngayon po, sa kadahilanan na din po na, di poi to nabigyan ng agarang pansin at gamutan sapagkat iniisip po naming ang gastusin dahil kami po ay kapos sa pinansiyal na aspeto. Miyembro po siya ng PhilHealth ngunit di din po sapat ang benepisyo na kanyang natatanggap.Ako po si Rezel L. Pimental at taos puso pong kumakatok sa butihin nyo pong puso n asana mo matulungan nyo po ang aking kapatid.Marami pong Salamat.
Sa mga nais pong mabigay tulong sa pagpapagamot ng aking bunsong Kapatid, ito po ang detalyo ng bangko:
Bank Name:ONE NETWORK BANK
Account No.: 040 880 041 331
Bank Address:Country Homes, Cabantian, Davao City
Beneficiary Name:REGINE LOGATIMAN
Mobile No.:+63 950 166 6065
THANK YOU PO NG MADAMI. GOD BLESS...
Organizer
- Rezel Logamitan Pimentel
- Campaign Owner
No updates for this campaign just yet
Followers
Support Campaigns
Create a support campaign in seconds!
Support campaigns allow you to get your own fundraising page dedicated to 'A Fund Raising Campaign for Raymund Logatiman'
You'll have your own unique link that you can share, and all funds raised will go directly to 'A Fund Raising Campaign for Raymund Logatiman'. It's the ultimate way to show your support!
Create support campaign