#JuanDrivePH

  • ₱14,650
    raised of ₱12,000.00 goal goal
122% Funded
13 Donors
Raised offline: ₱11,230.00
Total: ₱25,880.00
Show more
Show less

#FreePiston6



Piston 6, PALAYAIN!

Alam ko ang pakiramdam ng isang pamilyang nagugutom, walang pangkain dahil kulang ang pambili o minsan wala pa talaga. Alam ko ang pakiramdam ng isang taong nanghihingi para lang may maipantustos sa pang araw-araw na pangangailangan. Mahirap.

Ang Papa ko ay naging isang jeepney driver sa matagal na panahon. Sa araw-araw na pamamasada niya, alam ko kung gaano kahirap ang kaniyang pinagdadaanan — ang pawis, ang init ng biyahe, mga araw na matumal, mga araw na malakas ang kita, umulan man o umaraw. Iisa ang tanging layunin niya — ang may maiuwing panggastos sa amin para sa araw na 'yon.

Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang namamasadand Pilipino para lang matustusan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. Maaring hindi halata ang pinagdadaanan dahil sanay ang mga Pilipinong tumawa sa likod ng kahirapan. Sabi nga nila, habang may buhay, may pag-asa.

Hunyo 2, 2020, inaresto ang limang drayber at isang opisyales ng PISTON, isang samahan ng mga jeepney drivers sa buong Pilipinas, dahil sa kasong 'di pagsunod sa 'social distancing' at iba pang 'quarantine guidelines' sa kanilang pag-protesta. Dahil ang pangkain ng kanilang mga pamilya ay nakukuha lamang nila sa kita ng pamamasada at ang ayuda ng gobyerno ay kulang para sa loob ng apat na buwan na walang pasada, nanawagan silang payangan na muli silang bumiyahe. Ang tangi nilang hangad ay mabuhay at magtrabaho ng marangal.

Dahil personal na naranasan ito ng Papa ko at ng pamilya namin, naisip kong magkalap ng donasyon para sa tugunan ang mga basic needs ng kaniya-kaniyang pamilya. Direkta ko nang nakausap si G. Steve Ranjo, Secretary General ng unyon upang mapag-usapan ang paglalaanan ng makakalap nating mga donasyon.

Nakakalungkot isipin na sa panahon pa ng pandemiya ay ganito ang pagturing sa mga namamasadang Pilipino. Wala silang hinangad kung hindi ang kapakanan ng kanilang mga pamilya. Tulungan natin sila. Tulungan natin ang ating mga mamang tsuper. Sinu-sino pang magtutulungan dito sa bayan ni Juan kung hindi tayo-tayo rin, 'di ba?

#FreePISTON6 #PISTON6 #JuanDrivePH


Maaari niyo ring i-contact ang PISTON: Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide sa Facebook.

Maraming salamat!




Organizer

  • Shaira Rae Suringa
  •  
  • Campaign Owner

Donors

  • Anonymous
  • Donated on Jun 09, 2020
  • I fight and support my fellow countrymen! Sending lots of love and prayers to all families impacted by this unjust treatment of the #piston6! God bless!!

Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jun 07, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jun 07, 2020
Amount Hidden

No updates for this campaign just yet

Donors & Comments

13 donors
  • Anonymous
  • Donated on Jun 09, 2020
  • I fight and support my fellow countrymen! Sending lots of love and prayers to all families impacted by this unjust treatment of the #piston6! God bless!!

Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jun 07, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jun 07, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jun 06, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jun 06, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jun 05, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jun 05, 2020
Amount Hidden
  • Anonymous
  • Donated on Jun 05, 2020
  • Ipaglaban ang kabuhayan ng mga jeepney drivers

Amount Hidden
  • Kevin Maninang
  • Donated on Jun 05, 2020
Amount Hidden
₱500.00
Show more donors

Followers

16 followers
Joanne Grefalda-Distrito
Victoria Martin
NICOLE ZENAROSA
Shai Rae
John Emmanuel Nieves
Nica Zenarosa
Roberto Isuga
Eunice Patigdas
Roselle Icao
Jamie Lyn Magboo
Show more Followers
₱14,650
raised of ₱12,000.00 goal
122% Funded
13 Donors
Raised offline: ₱11,230.00
Total: ₱25,880.00