hospitalization bill

Fundraising campaign by denis ruiz
  • ₱0.00
    raised of ₱300,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Ako po ay lumalapit sa inyo ng kaunting tulong para sa hospital bill ng aking anak.. Ang baby ko bunso ay 8months old,may down syndrome at madami sakit..may medical condition sya na trisomy 21 o down syndrome. Cush ang name nya. wala sya butas sa pwet kaya 2 days old pa lang naoperahan na sya (sa pgh). Nilagyan sya sa tiyan ng colostomy bag para dun dumumi. May butas din ang puso nya 7 milliliters ang laki.

Last week of January pina-check up ko sipon nya na may halak then gumaling naman. (hindi kasi sya nag iinda o umiiyak na parang may sakit..hindi din sya nilagnat ever.. pag kinausap mo tawa naman ng tawa at nag rerespond naman sya) peromga last week din of February bumalik yung ubo at sipon nya at 2nd day ng lagnat nya nagkaroon sya ng episode na hindi makahinga na parang machuchoke sa plema, kaya 2 am dinala namin sya sa nearest hospital. After x-ray, sinabing pneumonia daw, need i-admit pero yung hospital ay wala available private room that time.(dapat daw sa pneumonia cases nasa private room o walang kasama dahil pwede sya mahawa sa o sya ang makakahawa) 2 hospitals pa ang next na pinagdalhan namin pero wala daw sila private room availableat small hospital lang daw sila, na in cases of emergency like cardiac arrest siguro (kc may butas sa puso si baby at naka colostomy bag, inter-related daw kc yan pag nagka-sakit) at wala sila magandang facility para maisalba sya. Pumunta daw kami sa big hospital. So, dahil sa tagal nya na hindi dumedede at pag umuubo parang ma-chuchoke na sa plema at umaga na wala pa na-aadress sa sakit nya..sabi ko, sa medical city na kami pumunta..wala kc ako alam na malaking hospital na pwede pagdalhan sa kanya..pero una sabi ko sa Amang Rodriguez sa Marikina nalang dahil nasa Antipolo kami,kaso hirap na talaga sya huminga at madami din daw pasyente dun..kaya for survival, dito naisip ko pumunta. Pag dating dito pinapa-icu na pero 40 - 80k daw ang daily rate...tinapat naman namin sila na hindi namin kaya..in short nagpa admit kami sa regular room, pero nagpa-pila kami sa pgh for transfer.So, sana tuesday lilipat na kami, 70k palang ang bill namin kaso monday night sunod sunod na ang episode na nahihirapan sya huminga at namumutla na at nangingitim. kaya napilitan kami magpa icu.

Ngayon, naka tubo sya sa bibig direkta sa baga para machine na ang humihinga for him. dahil sa hingal na hingal sya doble ang hingal nya dahil sa butas sa Puso. kaya pati puso nya ay binibigyan din ng gamot, pantulong sa pag-pump dahil baka daw mapagod. May tubo din sya sa ilong para dun ipadaan ang milk nya. Madami sya swero kc dun pinapadaan mga medicines nya, meron sa paa at sa kamay..

Naka kuha kami help from pcso pero 10k lang..may 20% sya discount sa PWD ID nya at may phil health..and as of this writing 250k na ang bill nya...sa ngayon kasi hindi kami nakatuloy sa paglipat sa pgh dahil ang naipa-reserve naming room doon ay regular room lang..since na-icu sya dito ang dapat na room na paglagakan sa kanya sa pgh ay icu din. so, we are expecting big increase everyday that we are here. Sana po ay matulungan nyo kami the soonest possible, dahil anytime na magkaroon ng room sa ibang hospital ay need na namin ma-settle ang bill dito sa medical city. Maraming Salamat po!

Organizer

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...

Support Campaigns

campaigns

Create a support campaign in seconds!

Support campaigns allow you to get your own fundraising page dedicated to 'hospitalization bill'

You'll have your own unique link that you can share, and all funds raised will go directly to 'hospitalization bill'. It's the ultimate way to show your support!

Create support campaign
₱0.00
raised of ₱300,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook