Hospital refuses to discharge patient

Fundraising campaign by Bien Grama
  • ₱1,200.00
    raised of ₱500,000.00 goal
0% Funded
2 Donors
Raised offline: ₱300,000.00
Total: ₱301,200.00
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

"Nasa pandemya po tayo ngayon, punuan ang mga ospital. Pwede nyo irisk ang buhay ng nanay nyo sa ibang ospital at pumila doon. Or pwede nyo dalhin sa amin, pero be responsible na magbayad in full. Hindi ho nauutang ang serbisyo ng aming ospital." - Cardinal Santos Medical Center, Billing Department Manager.

Hindi ako makapaniwalang, may tao na kayang magsalita ng ganyan sa gitna ng pandemya. Pera lang pala ang concern ng ibang hospitals sa kabila ng hirap at krisis na pinagdadaanan naten.

Magandang araw po sa inyo. Sana po ay mabuti ang kalagayan nating lahat. Idudulog ko lang po ang pinagdadaanan ng aming pamilya ngayon.

Noong July 19, naisugod po namin sa ospital ang aming nanay dahil sa pagiging unconscious at pagkakaroon ng mataas na lagnat. Yun pala ay dahil sa Pneumonia at sepsis, impeksyon sa dugo. Mahigit sampung ospital ang aming tinawagan at pinuntahan, ngunit hindi po kami na-accept dahil sa punuan ang mga ito. Mabuti nalang at merong isang ospital ang tumanggap sa amin. Ngunit, lingid sa kaalaman namin, hindi pala sila madaling kausap kung wala kang perang ilalabas.

Ipinangutang po namin ang downpayment na 127,000 para ma-admit ang aming nanay. Ang buong akala namin ay sapat na yun, or kung madadagdagan man, akala namin hindi aabot ng 200k pesos. Ngunit nayon po ay lagpas na po ng kalahating milyon. Pero kung yun ay katumbas ng buhay ng aming nanay, handa naman po kaming magbayad at malubog sa utang.

Ngayon po, sa habag ng Panginoon, nasa mabuting kalagayan na aming nanay. Pwede na po syang ilabas ng ospital, subalit hindi pumapayag ang ospital na sya ay makalabas hanggat hindi nababayaran ng buo ang aming balanse.

Idinulog na po namin ito sa DSWD, PCSO, at Malasakit Center ng pangulo. Ngunit hindi raw po tumatanggap ang ospital na ito ng 'guaranteed letter' or 'endorsement letter' dahil ang gusto nila ay agarang bayad. Hindi sila makakapaghintay ng ilang buwan na proseso ng ating gobyerno sa pagsi-settle ng bayarin sa kanilang ospital.

Kung nabasa nyo po ito ng buo, sana po matulungan nyo kami. Kahit kaunting halaga ay makakatulong na po. Kahit po hindi pinansyal na tulong. Kahit koneksyon lang sa isang tao, opisina, or institusyon na makakatulong sa amin na mapakiusapan ang Cardinal Santos Medical Center na payagan kaming ilabas ang aming nanay. Hindi po namin sila tatakbuhan, babayaran po namin sila kahit anong mangyari. Hindi lang siguro sa ngayon, pero pagtatrabahuan namin yan. Nagpapasalamat din naman kami sa kanila, sa pagligtas sa buhay ng aming nanay.

Maraming salamat po. God bless us all.

Organizer

  • Bien Grama
  •  
  • Campaign Owner

Donors

Amount Hidden
  • MARIA SIONA GRAMA
  • Donated on Aug 02, 2021
₱200.00

No updates for this campaign just yet

Donors & Comments

2 donors
Amount Hidden
  • MARIA SIONA GRAMA
  • Donated on Aug 02, 2021
₱200.00

Followers

1 followers
Reymie Mora
₱1,200.00
raised of ₱500,000.00 goal
0% Funded
2 Donors
Raised offline: ₱300,000.00
Total: ₱301,200.00

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook