Helping Uncle Tinoy

Update posted by FLORDELUNA DEL ROSARIO On Jul 23, 2018

Uncle Tinoy, senior citizen (65 years old), single po, nakikitira po sa amin, kapatid po sya ng tatay ko. Sya po ay kasalukuyan (23 July) na naka confine sa Marymount Hospital, Meycauayan, Bulacan. Siya po ay naaksidente noong 30 June 2018, tinangka po nyang umakyat sa Bubong upang magtapal ng vulca seal sa mga butas ng aming bubong, gawa ng tag -ulan. Sa kasamaang palad, sya po ay nahulog sa hagdan, sya po ay isinugod sa malapit na ospital (Marymount Hospital). Sya po ay sinabihan ng doctor na kailangan sumailalim sa agarang fasciotomy operation, upang ang pamamaga ng kanyang kaliwang binti ay maagapan at hindi mamatay ang kanyang kaliwang binti, at pinayuhan ng external fixation upang ma -align ang kanyang mga buto sa binti. Ang operasyon po daw ay aabot sa P50,000 mahigit bukod pa sa hospital bill. Sinubukan po sya na mailipat namin sa Government Hospital ngunit sya po ay tinanggihan , gawa ng kanyang maselan na kondisyon at kailangan ng agarang operasyon. Kami po na kanyang mga kamag anak (pamangkin, kapatid, pinsan, kaibigan) ay nagtulong tulong upang magawa ang operasyon. Matapos po ang operasyon nya noong 7 July 2018, sya po ay nakitaan ng problema sa dugo, ang kanya pong dugo ay hindi nag clot, nahirapan po ang mga doctor sa kanyang kondisyon. Hanggang sa kasalukuyan ( 23 July 2018) po ang kanyang dugo ay sinusuri pa din, halos araw araw po, sya po ay sinalinan ng dugo.

Kami po na kanyang kaanak ay kumakatok sa inyong puso para sa kanyang hospital Bill. sa kasalukuyan ang kanya pong hospital bill ay umabot na sa P78,000 + bukod pa po sa pang-araw araw na gastos na umaabot na sa P98,000+.

Maraming Salamat po.

Maari po ninyong ideposito ang anu mang tulong para sa Uncle Tinoy. God Bless po

PNB MEYCAUYAN BRANCH (SSS ACCOUNT)

5049 0491 0201 2563

FAUSTINO G. DEL ROSARIO



Add a Comment

Add a Comment

photo

FLORDELUNA DEL ROSARIO

Campaign Owner

send a message

No Followers Just Yet...

Create Support Campaign

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on