HELP JENNY ROSE

  • ₱0.00
    Donated So Far
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Paki-SHARE po para MADUKTUNGAN PA NATIN ANG BUHAY NI JENNY ROSE. 😭😭😭 HALOS ISANG MILYON NA PO ANG BILLS NI JENNY SA OSPITAL. 😭😭😭 TULONG TULONG NA PO TAYONG PARA SA MUNTING BATANG ITO.

Taga Anilao, Lipa City si JENNY ROSE MAGADIA, na kasalukuyan pong nakaconfine sa Metro Lemery Medical Center, at sa edad nyang 12 ay lumalaban sa di maipaliwanag na internal disease na kahit po mga doktor sa ibat ibang malalaking ospital sa loob at labas ng ating probinsya ay hindi matukoy ang specific na findings. HALOS WALONG TAON NA PO SIYANG LUMALABAN SA DI MATUKOY NA SAKIT NA ITO. 😭 Halos lahat na po ng paraan, mapa-albularyo, hilot, confinement, examination at high end medical tests ay nagawa na sa kanya pero malalabong findings po ang nakikita ng mga doktor. 😭😖

Sa ngayon po ay lumalaban ang bata kasabay ng kabi kabilang gamutan sa Intensive Care Unit po ng MLMC ngayon.

Malayo sa malusog na bata ang pinagbago na ng kanyang katawan. Sa edad na dose ay malayo ang kinahinatnan ng kasalukuyan nyang pangangatawan, mapayat, maputla, ngunit patuloy na lumalaban sa sakit.

Kahit papano po ay natatawid ng aking mga tito at tita ang nagagastos sa kanya, ngunit sa pagpasok po ng taong ito, may mga blood discharge na po na lumalabas sa ilong ng bata at nanghihina po siya, dahilan para dalhin na sa pribadong pagamutan.

Sa pagnanasa po na gumaling ang anak, pinapunta na rin po ng aking mga tita ang kanyang ina, kasama ang isang kakilala papuntang Negros, patungo sa isang kilalang albularyo roon upang dalahin ang mga damit ng aking pinsan at dasalan ito.

Opo, halos lahat na po ng paraan ay ginagawa ng pamilya, malayo lang sa paghihirap ang katawan ng isang batang dapat sana ay walang iniindang tulad ng ganitong karamdaman sa kanyang edad.

Walang magulang ang natitiis na makitang nahihirapan ang kanyang anak, kaya habang maraming pag asa, panalangin at biyaya mula sa itaas, di nila papayagang patuloy pang mahirapan si Jenny.

Ako po, kasama ang kanyang mga magulang at mga kamag anak na lehitimong Lipenyo ay kumakatok sa inyong mga butihing puso, upang kahit papaano, sa mga mumunti po nating paraan, ay mapanumbalik natin ang isang batang masayahin, magalang at malusog.

Napakalayo sa kanyang kasalukuyang kalagayan, nahihirapan ngunit sa gabay ng mga tulong at pagmamahal ng Panginoon, ay PATULOY NA LUMALABAN.

Maraming maraming salamat po at pagpalain po tayong lahat. LABAN LANG JENNY, GAGALING KA NA. AMEN! ❤

Organizer

  • AHRYZ BRIONES
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
Donated So Far

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook