Gwen’s Big Battle

Update posted by Bethie Dela Cuesta On Feb 03, 2019

Sa lahat po ng nananalangin para kay Gwen maraming-maraming salamat po!
Update:
Madaling araw po nung bumagsak ang bp, oxygen etc. Ni Gwen. Salamat po sa Diyos at siya ay nairevive. Sa ngayon po ay comatose na siya. Ipinatigil na po ang pagbibigay ng gamot sa kanya, hindi na rin siya nadialysis ngayon araw na ito. Hinintay na lang maubos ang natitirang gamot na tumutulong sa kanyang puso at pagkatapos nun naghintay na lang po kami ng maaaring sumunod na mangyari kay Gwen. Salamat sa Diyos dahil may pagkakataon pa ang pamilya niyang makasama siya at pagmasdan sa mga susunod na oras. Pakisama pa rin po sila sa panalangin lalo na po sa pagkakataong ito.

Salamat po..
Add a Comment

Update posted by Bethie Dela Cuesta On Jan 31, 2019

Sumabay ako kahapon kay JP (tatay ni Gwen) sa pagpunta sa ospital upang muling makabisita at maiabot ang naipong donasyon para kay Gwen. Pagdating namin pumasok kami sa ICU upang makumusta si Gwen.

JP: (kausap si Gwen) Baby laban tayo ha! Maraming tumutulong sa iyo at nagpapray. "Kapit unggoy lang tulad ng dati!"

Sa tagpong aking nakita at narinig ay damang-dama ko ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak na kahit pinaghihinaan na ng loob dahil sa nakikitang sitwasyon ay pinipilit pa ring maging matatag at pinipilit pang lumaban hanggang kaya pa.

Patuloy pong lumalaban si Gwen sa kabila ng kanyang sitwasyon. Hindi na po siya nilalagnat. May mga pagkakataong bumababa ang oxygen level sa kanyang dugo kaya itinotodo ang ventilator. Araw-araw na rin po ang kanyang dialysis. Nais na po sanang ilipat ng kanyang mga magulang si Gwen sa National Kidney and Transplant Institute upang mas matutukan ng mga specialist ang kasalukuyan niyang kondisyon at mabigyan siya ng karampatang lunas. Kailangan po nilang magrent ng transport vent ambulance upang maibyahe si Gwen. Ito po ay nagkakahalaga ng 32,000. Nawa po ay maisaayos ang paglabas ni Gwen sa Nazareth General Hospital at maiayos ang paglipat niya sa NKTI. Kinakailangan na rin po nilang magbayad pakonti konti sa kanilang partial hospital bill na umabot na sa mahigit 200,000. Hirap na po sila sa malaking gastusin para ipaglaban ang buhay ni Gwen. Humihingi pa rin po kami ng pinansyal na tulong upang kahit paano ay makadagdag sa kanyang gastusin. Samahan din po ninyo kami sa pananalangin para po kay Gwen at sa kanyang pamilya. Maraming salamat!

Add a Comment

Add a Comment

photo

Bethie Dela Cuesta

Campaign Owner

send a message

photo

Elsa Enriquez

Following Since Jan 30, 2019

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on