Help us build a church for the ethnic tribe Badjao

  • ₱0.00
    raised of ₱500,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Mahigit sampung taon na ang nakararaan na nagsimula naming tulungan ang etnikong tribong '' badjao '' sa amin sa Lucena City probinsya ng Quezon, sa pamamagitan ng pagtuturo at paggabay sa kanila sa espirituwal, tinutulungan din namin sila mabigyan ng mga pangunahing mga pangangailangan katulad ng pagkain, damit, tsinelas, at gamot.

Minsan dumadating ang panahon na kinakapos din kami at kinukulang at merong mga pagkakataong sa kasamaang palad ang ilan sa mga bata na may karamdaman ay namatay dahil sa kakapusan ng pagkukunan ng kanilang mga pangangailangan at ang kaya lamang naming maibigay na tulong ay ang matulungan ang pamilya na bigyan ang kanilang minamahal nang isang wastong libing. Ilang beses nang dumating ang bagyo sa kanila na halos lahat ng kanilang mga bahay ay nasira dahil ang mga ito ay ginawa lamang mula sa mga kawayan at pawid at nakatira pa sila malapit sa baybayin.

Sa loob ng maraming taon, ginagawa namin ang aming makakaya upang matulungan ang bawat isa sa kanila, may mga pagkakataon na hindi na namin kaya maibigay ang kanilang mga kailangan sapagkat maging kami rin ay kinakapos na minsan ng mapagkukunan at sariling pera.

Ito ang dahilan kung bakit kami humihiling ng anumang tulong mula sa sinumang may isang busilak at mabuting puso, hindi namin nais na tumigil sa pagtulong sa kanila. Sa loob ng napakatagal na panahon, kami ay parang isang pamilya na at ayaw namin na iwanan ang mga ''Goodjao'' na malungkot at wala.

Kapag nakamit namin ang makokolekta sa fundraising na ito mapagpapatuloy namin ang pagtulong sa tribo at sa bawat pamilya nila. Pangkaraniwang ginagawa namin kasama ang mga ''Goodjao'' ay nagtuturo kami sa kanila sa ilalim ng kanilang bahay, kung minsan sa ilalim ng mga puno at kung minsan kapag naabutan ulan tuloy padin. Patuloy namin silang tinutulungan dahil naniniwala kami na mayroon din silang magandang kinabukasan na naghihintay sa kanila. Ngayon pinaplano namin na bigyan sila ng isang magandang at wastong lugar ng pagsamba, isang gusali ng simbahan upang hindi sila mabasa sa tuwing darating ang ulan, pinaplano din naming bigyan sila ng isang maliit ng learning center kung saan maaari naming ituro sa kanila ang tungkol sa basic na pag-aayos ng sarili at anumang makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay kasabay na din ang kanilang espirituwal na pananampalataya.

Nais naming tulungan silang matupad ang pangarap na ito, kaya't humihiling kami ng anumang tulong mula sa sinumang may isang busilak at mabuting puso upang maitayo na ang pinapanalangin naming church building and learning center para sa tribo ng mga ''Goodjao''

Maraming salamat po sa iyong suporta at donasyon kahit anong halaga po ay tatanggapin naming isang malaking tulong at dagdag sa amin kailangang halaga, nawa po ay matulungan nyo kaming maabot ang aming pangarap at layunin. Kasama po namin kayong tutupad sa mga pangarap na ito para sa kanila, kayo po ay bahagi ng tagumpay ng aming mga pangarap. Maraming salamat po ulit sa iyong suporta at donasyon. Nawa po ay pagpalain kayong lahat ng Diyos.

Pwede ninyo din po ako i-email dito ([email protected]) para maisend ko po sa inyo yung bank account namin or yung iba pa pong paraan kung paano po kayo makakapagdonate or pwede nyo din po kami i-message sa messenger (m.me/apol.miel11). Thank you po ng madami, Godbless po!!

Organizer

  • Aaron Paul Aguilar
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱500,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook