For my Father’s hospitalisation

Fundraising campaign by Leanylyn Yadao
  • ₱500.00
    raised of ₱700,000.00 goal goal
0% Funded
1 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Magandang araw po. Ako po si Leanylyn Yadao. Kasalukuyang nakatira sa Brgy Fortune, Marikina City.

Ako po ay dumudulog sa inyong harapan upang humingi ng tulong para sa aming ama na si Nolito Yadao na nasa ospital.

Kami po ay 4 na magkakapatid. Byudo po ang aming ama. Ako po ay nagtatrabaho sa call center. Ang pangalawa po ay waiter sa isang restawran. Ang pangatlo naman ay nagaapply muli ng panibagong trabaho. Ang bunso naman po at nagaaral pa lamang sa kolehiyo.

Nitong ika-27 ng Oktubre, dinala po namin sa San Isidro ospital (bayan ng Angono, Rizal) si papa dahil sa pagkahilo at sakit ng ulo. Habang nasa ospital, siya po ay na stroke. Umurong ang kanyang dila at lumihis ang kanyang mata (kaliwa).

Sa rekomendasyon ng kanyang doktor, inilipat namin siya sa Marikina Valley Medical Center upang maikunsulta sa Neurologist. Sa kadahilanang walang sapat na pasilidad at doktor ang ospital, kaya't kami ay pumayag.

Nakitaan po siya ng napakaraming baradong ugat sa kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang pagkastroke sa tulong ng MRI.

Ika-6 na araw na niya sa ospital nang magkaron sya ng heart failure (cardiac arrest) dahil na din po sa maraming baradong ugat sa ulo. Wala na daw sapat ng oxygen na dumadaloy. Noon din ay inilipat na siya sa ICU.

Nagkaron ng iba ibang kumplikasyon ang kanyang sakit. Naapektuhan ang kanyang ihi (nakitaan ng dugo at nana), kidney (tumaas ang creatinine), puso (nagtataas baba ang pagtibok), dugo (may nakitang mikrobyo) at baga (nagkaron ng pulmonya). Sa ngayon, nakitaan nila ng bukol ang kanyang apdo, na maaring dahilan ng pagdurugo sa kanya. Kasabay ng lagbagsak ng platelet at pagtaas ng wbc niya.

Iba ibang espesyalista at doktor na po ang tumitingin sa kanya sa ngayon. Makailang ulit na din po na nanganib at kanyang buhay. Sa kagustuhan namin na madugtungan pa ang buhay ng nagiisa naming magulang, sinusunod namin ang sasabihin ng doctor. Di namin napapansin ang posibleng gastusin na aming kakaharapin.

Sa ngayon po patuloy pa din ang kanyang gamutan. Binabantayan ang tibok ng puso niya at ang blood pressure niya. Kasabay ng kanyang impeksyon sa dugo.

Sa ganitong sitwasyon po namin kami dumudulog sa inyong opisina upang katukin ang inyong puso upang kami ay matulungan sa aming kakaharaping hospital bill.

Nawa'y kami po ay inyong matulungan.

Organizer

  • Leanylyn Yadao
  •  
  • Campaign Owner

Donors

  • Ronald Mamaril
  • Donated on Nov 10, 2019
  • Hi Lyn konti lang to sana makatulong kay Uncle. God bless

₱500.00

No updates for this campaign just yet

Donors & Comments

1 donors
  • Ronald Mamaril
  • Donated on Nov 10, 2019
  • Hi Lyn konti lang to sana makatulong kay Uncle. God bless

₱500.00

Followers

1 followers
Stephanie Ann Yadao
₱500.00
raised of ₱700,000.00 goal
0% Funded
1 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities