Cecil’s Fight Against CKD

  • ₱0.00
    Donated So Far
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

Hello everyone! This is Cecil Rico's story on how she fights her Chronic Kidney Disease battle. Cecil Rico is a hardworking student and an active member of Junior Financial Executives of Cavite State University - Main Campus. She was recently diagnosed with Stage 5 Chronic Kidney last April 2019, since then, she had her regular checkup at National Kidney Transplant Institute at Quezon City. Her dialysis treatment started on May 2020. Her doctor strongly advised her to undergo a kidney transplant, but the medication and hospital bills would still be a great challenge to her family. Her loving father is the only source of their income.
Any amount will be helpful, as well as few words of encouragement and prayers. Collected funds will be used for her operation and continued medication.


Currently PayPal is the only supported app of this site. If you wish to donate you may also send it to Cecil's Landbank account:
- Account Name: Ma. Cecilia Rico
-Account Number: 2056 1534 90

Or via Gcash:
-Account Name: Ma. Cecilia Rico
-Account Number: 09956047111

You could also avail their products such as T-shirt, leche flan, puto, and peanut butter. They are also accepting resellers.

SAVE T-shirt for 250 pesos.


Lecheflan for 100 pesos per tub.



Puto, 25 pieces for 100 pesos.



Peanut butter, 120 pesos.



You could also send a message thru her fb messenger at - https://www.facebook.com/cesrico1197
Or send her a message at - 09568366458



We are knocking your kind hearts for any help. We hope that you could help us save her life. Any help would be so much appreciated. Thank you everyone, God bless us all! ❤️

This is her story taken from Facebook with her permission.

"Just wanna share how God loves and protect me, at kung bakit ang dami ko pa ding dapat na ipagpasalamat sa kabila ng sitwasyon ko ngayon.

(Para na din sa mga nagtatanong kung saan ko nakuha ang sakit ko at humihingi ng advice kung pano makaiwas)

*mahaba pero may matututunan kayo

Year 2003 nung unang beses akong naconfine dahil sa UTI. Tanda ko pa non yung teacher ko yung nagpapainom sakin ng gamot sa tanghali. Hi kay ma'am Janet Sierra, ang una kong naging ina sa school.

Year 2007 grade 5 ako non, naconfine na naman ang ate mo UTI na naman at dengue.

Year 2014 naconfine na naman ang ate mo UTI na naman at DENGUE na naman myghad!

Nagwork ako sa isang factory non sa imus, nagdorm din ako dun ko naranasan magkasakit ng walang nagaalaga huhuhu hirap, akala ko makakaya ko pa pero kinaumagahan mas nahihirapan na ko kaya tumawag na ko kila mama sabi ko gusto ko na umuwi kasi mataas na lagnat ko. Sabi nila wait daw ako sunduin daw ako, pero ayaw ko kasi yung paghihintay ko sa kanila gusto ko na magbyahe. Gusto ko na talaga umuwi ASAP. Nagbus ako, swerte konti lang tao. Humiga talaga ako sa tatluhan na upuan😁 pulang pula mata ko parang nagaadik. Paguwi ko dun na ko nagsuka nang nagsuka, nagdeliryo na kaya sinugod na sa hospital. Ayun, bagsak na bagsak na ang platelet pala at may dengue. Thanks God buhay padin ako kahit sobrang delikado daw kapag 2x na ang dengue. Naalala ko pa non, pababa nang pababa ang platelet ko hanggang sa kinailangan ko na salinan ng dugo(whiteblood).

Since nagwowork ako syempre matic na, pagkasahod kain dito kain doon with workmates. Kain fastfood kain streetfood,lahat ng unhealthy food sigiii lang. Nabanggit ko na nagdorm ako, so matic na ulit pagkasahod grocery para may food sa dorm. Sige hakot si inday ng mga unhealthy foo noodles,cupnoodles,pancit canton, kape,snacks, de lata(yung mga may flavor like menudo,mechado etc) at eto pa nga, kapitbahay nmin sa boarding house e nagtitinda ng ihaw ihaw at may tindahan pa, since peyburit ni inday ang ihaw ihaw lalo na ang isaw ng baboy siguro sa isang linggo isang gabi lang, isang gabi lang ang di ako nabili✌

Fastforward na

Year 2018-2019 nagworking student ako sa isang fastfood. Syempre kain pizza inom softdrinks hehe sarap (legal yun ha). Tas pag opening at closing ako, kami ng kawork ko kakain kami ng mahiwagang pancit canton with matching kape hehe. Tas pag closing din ako minsan may bukas pang ihaw ihaw, nabili ulit ako ng paborito kong isaw ng baboy with matching softdrinks😢

Pero dumating yung araw na madalas nasakit balakang ko😢 minsan nasa locker lang ako kasi sobrang sakit. Akala ko magkakaroon na ko pero lumipas na ang isang buwan di padin ako dinadatnan(irreg kasi ako, kaya di ko alam kung kailan darating) so dahil nga masakit balakang ko,tuwing nasakit nainom ako painreliever. Lagi huhu, kasi di ko kaya yung sakit lalo at nakatayo sa work. Dumating na din yung araw na mahapdi na din ang pag ihi ko. Yung lagi na nangyayare sakin yun, sinabi ko na kay mama kaya sabi nya pacheck up na ko at baka may UTI na naman daw ako.

Pinakaunang lab result ko. Nung chineck ng doctor sabi nya sobrang taas na ng creatinine ko, nephro(espesyalista sa bato) na daw ang dapat na tumingin sakin.


Unang pamamanas ko, ewan ko ba kung kailan nagpacheck up tsaka naglalabasan na.

Yung isang picture before ako nagkasakit. Tunay na taba pa hehe. Yung pangalawa ayan yung nagmanas ako, prinofile ko tas ang daming nagcomment na ang laki daw ng itinaba ko di po taba yan. Manas po yan, may iniinom kasi ako nung panahon na yang gamot na nakakataba talaga ng pisngi hehe.

Sa sobrang daming gamot na iniinom ko nalilito na ko, minsan may nakakaligtaan. Kaya ang ginawa ko yan. Ayan umagahan tanghalian at gabihan ko. Yan ang isa sa nagpapahirap sa sakit ko. Sobrang daming gamot.

Pag naglalakad ako ng malayo at napapagod ganyan ang nangyayare, halos puputok na. Kaya pag sa school lagi akong nagtatryk.


Eto yung naconfine na ko.


Buti nalang di ako takot sa dugo at karayom.

First session.

Isang malaking natutunan ko ay wala tayong pagaari, lahat pahiram lang satin. Kaya dapat pagkaingatan. Tunay ngang nasa huli ang pagsisisi."


Organizer

  • Junior Financial Executives CvSU Main
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

1 followers
Honie graces Estopel
₱0.00
Donated So Far

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook