Isang mapagpalang araw po sa inyo!
Magkakaroon po kami ng outreach program para sa mga estudyante ng Sitio Pulot/Bay Elementary School sa Brgy. San Antonio, Kalayaan, Laguna. Ang nasabing eskwelahan po ay nasa dulong parte na ng Kalayaan at napaliligiran ng tubig kaya naman kadalasan ay nagbabangka ang mga estudyante at mga guro para makarating dito.
Ang mga estudyante po mula Kinder hanggang Grade 6 students, nasa edad 6-12 years old. Ito po ay gaganapin sa katapusan ng Mayo o sa unang linggo ng Hunyo. Wala pa pong eksaktong petsa dahil hindi pa po sapat ang mga nalikom para sa 100 na estudyante.
Dahil po dito, kumakatok po kami sa inyong mabubuting puso upang hikayatin kayo na magbigay rin ng tulong sa mga estudyante ng Sitio Pulot. Narito po ang ilan sa kailangan ng mga estudyante, ayon po sa mga guro:
- Bota, payong, kapote
- Gamit sa eskwela (Papel, lapis, notebook, krayola)
Malugod rin po kaming tumatanggap ng kahit anong uri ng sponsorship katulad ng pagkain at inumin para sa volunteers at recipients, cash, damit, sapatos, o tsinelas.
Nawa po'y makiisa tayo sa gawaing ito at sama sama tayong maging blessing sa ibang tao.
Please click the style of widget you'd like to install
