Make Jeddalia’s Dreams come True

Fundraising campaign by NOELEEN SORIA
  • ₱0.00
    Donated So Far
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

1 month and 10 days simula ng nangyari ang bagay na hindi namin lahat inaasahan. Hindi ko alam kung gaano kahirap at kadepress ang nakahiga buong maghapon at hindi mo kayang huminga ng sarili mo ng walang gamit na ventilator na nakaconnect sa tubo sa leeg mo at nakadepende ang buhay sa machine. Walang boses, na kailangan pang ipaulit ulit ang gusto mong sabihin bago ka maintindihan. Na hindi mo maramdaman kung nadudumi kana ba o naiihi. Ang hirap. Sabayan mo pa na hindi mo maigalaw ang buong katawan mo. Hindi makalakad, matakbo at makahawak. Yung tipong mag tiiis ka nalang ng ngalay, wala kang magawa, Pipigilan ang mga nangangati sayo kasi di mo kayang kamutin hanggang sa mapapaiyak ka nalang kasi kahit sa mga simpleng bagay na nagagawa mo noon hindi mo magawa ngayon. At yang mga luha na galing sa mata mo, kahit na ayaw mong ipakita sa iba hindi mo kayang itago, tululo at tulo nalang rin dahil hindi mo kayang punasan gamit ang mga kamay mo. Nakakalungkot. Para kaming dinudurog sa tuwing nakikita namin siyang ganito.

Sana mapansin niyo po ang post ko, kami po yang nasa picture, nagkaroon po siya ng sakit na di pang karaniwan. At Mananawagan po sana ako ng tulong para sa kanya Jeddalia Kolene Español , Noong August 1, 2018 po ay dinala po siya sa St lukes sa BGC, Dahil doon po ang pinakamalapit na Hospital mula sa Workplace niya. Bago po ang araw na yun nagkaroon po siya ng lagnat at dahil buong akala po namin ay simple lang naman po, pumasok pa po siya sa trabaho niya. At doon po, naging mabilis ang pangyayari. Ang kwento po sa akin, nagsimula daw po ang pagmamahid ng katawan niya sa likod hanggang sa mabilis pong kumalat sa buong katawan niya, hindi narin po siya nakakahinga noong time na iyun kayat dinala po nila si Jedda sa pinakamalapit na Hospital. CT Scan at MRI sa utak ay kaagad pong tinest si Jedda para malaman kung ano ang sakit niya pero walng nakitang kumplikasyon. Kaya't nagkuha po sila ng sample fluid sa utak ni Jedda para malaman po kung may infection po and negative result po. Hanggang sa nag cervical spine MRI siya at doon po nalaman na pambihirang sakit po ang dumapo sa kambal ko, TRANSVERSE MYELITS, May namamaga sa Spine niya malapit sa batok na nagdulot ng paralysis sa buong katawan. Higit po sa lahat hindi po siya nakakahinga ng sarili niya kaya nakadepende po ang buhay niya sa ventilator. 28 Days po kami sa St lukes at umabot po ng higit 1M ang bill namin, na hanggang ngyon hindi pa po po namin nababayaran. Mahirap lang po ang pamilya ko at kakasimula lang po naming itupad sana ang mga pangarap namin, Gusto ko pong maibalik sa normal ang kambal ko, at magkasama po kaming mamuhay ng simple at normal. Noong August 28 po ng hapon, inilipat po namin siya dito sa PGH. na malaki po ang pag aasang makarecover siya 🙏.

Jeremiah 29:11

11 For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. - We believe in you po.

Nagbabakasali po akong mabigyan niyo po kami ng tulong 🙏🙏

Organizer

  • NOELEEN SORIA
  •  
  • Campaign Owner
Sep 11

MAKE JEDDALIA’s DREAM COME TRUE

Update posted by NOELEEN SORIA at 11:26 pm

Jeddalia is starting to achieve her dreams and this happened to her. Let us help her achieve her dreams for her family by sharing any amount that you can donate.

See update
0

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
Donated So Far

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook