Apr 08, 2021 at 08:43 am

April 8, 2021 Update 1:13PM

Update posted by MARY JANE HENSON

Nakastop na ang sedation sa kanya since yesterday pero unresposive nga siya at per Neuro-Dra. San Diego, nireview niya yung unang CT scan vs sa ginawa kahapon lumalabas na malaki ang pinag-kaiba, si mama is suffering from brain ischemia technically brain dead or comatose state siya ngayon, ito daw ay epekto na ng COVID kay mama. Okay ang mga vitals pero bumigay na ang brain. Sabi ni doc lahat tayo pag ganito ang kondisyon ng mga kapamilya gusto natin gumaling at makauwi satin pero s case ni mama mahirap na daw lalo n at braindead na siya. Nag desisyon na ang pamilya namin n ipapatigil na ang kanyang treatment para hindi na mahirapan si nanay. Nung Thursday ng umaga nng natumba siya sa CR namin hindi siya makatayo habang inaalalayan siya ni tatay at bunso namin nagpaalam daw pala si nanay sa kanila nagsabi sa kanila si nanay na "ayaw ko na, tapos na ko" at nakatitig siya sa bunso namin.

Back to campaign page