Apr 19, 2020 at 01:17 pm

PROJECT COVI3D Goes Outside NCR

Update posted by TUPT Alumni

GOOD NEWS:

Ang ating donasyon ay makakarating na din po sa mga kababayan natin na nangangailangan sa MINDANAO at BICOL REGION, Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga taong naging daan para maisakatuparan ito.

Naging mahirap po ang proseso sa pagpapadala sa iba't ibang probinsya dahil rin po kailangan nitong sumailalim ng sanitation process upang masigurado na walang itong contaminasyon. Ngunit ito'y ating sinigurado at patuloy ang ating pamimigay sa ating mga karatig Probinsya.

Patunay lang po ito na kapag tayo'y nagtiwala sa Panginoon, gagawa Siya ng paraan upang maisakatuparan ang mabuting hangarin.

Muli, Patuloy nating suportahan ang ating mga kababayang Frontliners!

Maligayang Araw ng Pagkabuhay!

"No matter how hopeless our circumstance may look, when we raise our faith to praise God, his power is released."



MARAMING SALAMAT SA INYONG WALANG SAWANG SUPORTA!

Back to campaign page