Dec 26, 2019 at 05:51 am

8th Immuno-Therapy (23 Dec 2019)

Update posted by Dave Tan

Glory to God in the Highest!!

Good day po kay Lord and Good day po sa inyong lahat. Update lang po, nakapag-8th Immuno Therapy na si Tatay on the 23rd of Dec 2019. Medyo late lang po nang 3days kase hindi po umabot ang funds namin. Hindi po kami nakapag-produce kaagad nang 320K+, regular price na po kase ang 8th Immuno nya. Anyway, naghanap na lang po kami nang ibang paraan para lang makapag-immuno therapy si tatay. Nagpakisuyo kami sa friend nang boss nang wife ko. Thank you po kay Mr. Murli isa po syang Indian na paminsan-minsan pumupunta nang India then bumabalik din dito kase nagmigrate na sya sa Philippines. Anyway, mabait po sya ang tumulong po sya para makapag-import nang keytruda (Immuno-Therapy Meds). Napakamahal po kase dito ang isang vial is worth 157K since dalawa (2) vials po ang kelangan per Immuno, 314K po ang kelangan sa isang therapy-session. And ito pong 8th Immuno-therapy ni tatay is regular price na po kaya 314K na po ang babayaran para mabili ang gamot. Sad to say pero hindi po umabot ang iniipon namin.. kaya khet na-delay po nang ilang araw, at least nakagawa kami nang paraan. Thank you po unang-una kay Lord, pangalawa sa inyo po na patuloy na kasama namin na nanalangin para sa provinsions and kagalingan ni tatay as well. Thank you po nang madaming-madami. Patuloy po natin syang ipanalangin at sana po magkaroon ulit nang miracle at mabilis ulit lumiit ang tumor nya sa lungs in Jesus name!!

Thank you po sa inyong lahat.

Back to campaign page