Updates on Help Eron Fight Leukemia

July 4 Update
Update posted by Rishell Perez On Jul 04

Tapos na yung induction ni Eron. Ang induction 8 days na chemo, nakaconfine sa ospital. 3 times ginawa yun, ang interval after 21 days.

After 8 days na chemo, naconfine din sya each time, febrile Neutropenia. Side effect daw ng chemo.

Ngayon, nasa consolidation naman sya. June 4 sya nagstart. 32 days na out patient pero halos araw araw na chemo din, may pinapadaan sa swero, minsan tusok sa balikat, meron din pinapadaan sa spinal cord, para lang hindi kumalat yung cancer pati sa utak.

Natapos naman ni Eron yung first week, kaso may 2% blasts pa na nakita sa bone marrow. So nagconsult pa sila if tuloy ang chemo o hindi na. Nagstop muna yung chemo nya ng 1 week. Buti na lang okay ang decision ng consultant, tuloy pa din ang chemo.

Kung tuusin, dapat nasa day 30 na si Eron, kaso kailangan din pagpahingahin pag mababa ang anc, so ngayon nasa 2nd week pa din sya. Kung di ako nagkakamali, day 14 sya ngayon.

Nagpapasalamat kami sa mga kakilalang nagpaabot ng tulong personal, money transfer, at pati na din sa mga bumili ng payong at tshirt.

Add a Comment