Nov 15, 2018 at 11:20 am

Visit # 1

Update posted by Seth Howell Banez

2 weeks akong umiikot ikot sa lugar kung saan si Lola nagstastay pero wala siya. Kanina, November 15, 2018 (3:30PM) sinubukan kong umikot muli sa Daang Hari and nakita ko si Lola na nakaupo sa gilid. Naghanap ako ng malapit na parkingan at dali daling naglakad papunta kay Lola. Nakapag usap kami ng mga 30 mins at nakita ko ang saya sa mukha niya. Sa aming pag uusap, nalaman ko na ang pangalan ni Lola ay Lola Porfiria Ramos, siya ay 88 yrs old na, at may 7 anak na kanyang binuhay simula ng maliit pa sila. Kinuwento din ni Lola Porfiria na maaga namatay ang kanyang kabiyak kaya mag isa niyang binuhay ang 7 nilang mga anak. Si Lola Porfiria ay tiga Negros Occidental (Bacolod). Siya lang daw mag isa sa bahay dahil may sariling buhay na daw ang mga anak niya. Sinasamahan lang siya ng apo niya kapag gabi upang mabantayan siya. Tinanong ko si Lola Porifira kung ano ang mga kailangan niya. Sinabi niya sakin na dati ay merong siyang high blood na sakit, kaya meron siyang maintenance. Pero nawala na ito kaya ang kanyang iniinom na lang na gamot ngayon ay vitamins (yung para sa buto-buto). Sinabi niya din sakin na umiinom siya ng Cetirizne para sa kanyang kati kati. Habang kami ay nag uusap, may mga dumadaan na trucks at kotse. Lahat ng nilalabas na usok ng mga sasakyan ay sagip na sagip ni Nanay. Naikwento din ni Nanay kung paano siya pinipilit ni DSWD na dalhin sa facility nila pero ayaw niya dahil nandun ang kanyang pamilya at kaya pa daw niya maghanap buhay. Nang tanungin ko kung ano ang gusto niya sa pasko, ang sabi niya lang ay "kung ano ang ibigay ay masaya na ako, mag isa lang naman ako sa bahay kaya di ko kailangan ng madaming gamit o pagkain". Bago ako umalis ay nagpasalamat ulit siya at bliness niya ako.

English translation:

I was waiting for Lola in her known place for 2 weeks, until this day (November 15, 2018), I found her again waving her car towels beside the busy road of Daang Hari. I immediately looked for a parking and walked towards her. We had a 30 minutes good talk and I can see in her eyes, how happy she was (to have someone to talk with). On our talk, she shared to me that her name is Porfiria Ramos and she is already 88 years old. She has 7 children which she took care up until now. She also told me that her husband died early and she raised their kids alone. She is from Negros Occidental. She mentioned to me that she is living by herself since her kids already have their own home. I asked Lola Porifira what do she needs, if she needs any medical attention and she told me that before, she was drinking medicine for her high blood. Praise God, her high blood is already contained and she doesn't need to drink her maintenance medicine. Now, she is drinking her vitamins and Cetirizine to cure her allergies. While we are talking, vehicles were passing by including large trucks. Smokes from the vehicles are being inhaled by Nanay. She also mentioned that DSWD once asked her to come to their facility and live there, however she insisted that her family is within his "barangay" and she can still manage to sell on her own. Before I left, I simply asked her what she wants for Christmas and I was surprised with her response "Whatever you will give. I will not ask for more. I don't need plenty of clothes and handful of food, since I am living by myself." Before I left, she thank me, wishes me goodluck and she also asked God to bless me more.


Back to campaign page