Baby Mary Angel’s Fight to Live

  • ₱0.00
    raised of ₱500,000.00 goal goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities

Show more
Show less

Siya po si Baby Mary Angel D. Carlete na pinanganak ko noong nakaraang April 26,2019. Sya po ay isang Premature Baby (31 weeks) at may timbang na 1.145kg dahil sa komplikado kong pagbubuntis.

Noong 1st trimester ng aking pagbubuntis, ako ay naospital at nasalinan ng dalawang unit ng dugo (PRBC)dahil ako ay may Thalassemia.Pinayuhan ako na mag patingin sa espesyalista sa dugo at binigyan ng mga laboratory test kaso hindi ko nasunod. Noong 3rd trimester ng aking pagbubuntis,bigla akong namanas at tumaas ang BP (Pre eclamsia) at ang ultrasound ng aking baby noon ay kaunti na lang ang panubigan (oligohydramnios).

Sa ika 31st week ng aking pagbubuntis, biglang tumaas ang aking BP, 240/100mmHg, sobrang sakit ng aking ulo at may mga signs ng impending eclampsia. Isinagawa ang emergency CS sa akin at isinilang ko si Baby Mary Angel D. Carlete na premature (31wks)na may timbang na 1.115kg. Isinilang siya na maliit at inadmit sa NICU at ikinabit sa Ventilator ng 19 days dahil sa neonatal pneumonia at infection.

Habang nasa NICU si Baby Angel, nagkaroon po siya ng infection at DIC, Fungal infection at hydrocephalus. Maraming laboratory at diagnostic test ang ginagawa at maraming klaseng antibiotics at pagsalin ng dugo (PRBC, FFP, Platelet concentrate)ang ginagawa sa kanya.

Sa ngayon, siya ay 1month at 12days old na at patuloy po siya na lumalaban sa kanyang kondisyon. Ang Hospital administrator/ billing ay nag notify na ang aming partial bill sa ngayon ay umabot na sa P450,000. Kami ay na ubusan na po ng pondo para sa ipang gastos sa pang araw-araw na pambili ng gamot, medical supplies, amino acids, IVIG at mga dugo (PRBC, FFP, Platelet) at sa mga pambayad sa laboratory at diagnostics na ginagawa.

Ako po ay isang housewife at ang aking asawa ay driver. Hindi na po namin kaya ang mga babayarin, hospital bill at pang gastos sa pang araw - araw na kailangan niya.

Kami po ay kumakatok sa inyong mga puso para humingi ng tulong pinansyal at dasal para mabuhay si Baby Angel.

Maraming salamat po!

Sumasainyo,

Maria Cristy Carlete at Laurence Carlete

Para po sa inyong mga donasyon:

Contact details:

Maria Cristy Carlete

09301320748

09104770688

Bank Account:

Laurence Carlete

7705-2103-07

DBP Roxas City, Capiz

Organizer

  • Mariella Aguirre
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
raised of ₱500,000.00 goal
0% Funded
0 Donors

No more donations are being accepted at this time. Please contact the campaign owner if you would like to discuss further funding opportunities