Baby Drew’s Surgery

  • ₱0.00
    Donated So Far
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less

October 8, 2018 ang pinaka masayang araw para sa aming pamilya dahil ibinigay sa amin ni God ang aming unang apo na si Baby Drew, ngunit ang mga ngiting yon unti unting napapalitan ng pag aalala at pag kalungkot ng marinig namin ang kanyang kakaibang pag iyak, hindi katulad sa mga normal na iyak na mga bagong silang na bata, tila hinahabol

din nya ang paghinga nya, bukod pa dun iba ang kanyang kulay at ang timbang nya isang kilo lamang.

Hanggang sa sinabihan kami sa lying na kailangan madala ang bata sa hospital dahil sa retraction at na may Pediatric Surgeon.

Nang mailipat na si Baby Drew sa hospital nagkaron ng mga test, na dianosed sya ng "diaphragmatic hernia" makikita sa kanyang x-ray na hindi na developed ang lungs nya dahil lahat ng bituka nya nasa taas ng kaliwang bahagi ng katawan nya at nakapalibot sa kanyang lungs, naging dahilan ito na mapunta ang puso nya sa kanang bahagi ng kanyang katawan kaya kinakailangan syang maoperahan sa lalong

madaling panahon - bihira lamang ang may ganitong kaso.

Kaya po kame ay humihingi ng tulong sa inyo sa laban ni Baby Drew.

Tulungan nyo po kame maibigay kay Baby Drew ang pag kakataong masilayan

nya ang magandang mundo na ating ginagalawan, bagamat hindi ito perpekto pero karapatan nyang maranasan ang masayang buhay ng normal kasama ng mga mahal nya sa buhay. Lalo na ang mga yakap at matikman nya ang napakasutansyang gatas mula sa kanyang ina, sa ama nyang pwede syang turuan pano sumakay ng bike pag sya ay lumaki laki na gusto din namin madinig ang una nyang salitang babanggitin, unang hakbang at pumasok sa school.

Nakakatuwa at nakakaproud ang APO ko, ngayon palang nakikita ko na ang tapang nya para lumaban sa kanyang buhay. Sabe ng mga doctor 48 hours lang ang itatagal

nya at kailangan ng tumawag ng pari para mabinyagan sya dahil napakababa ng oxygen nya sa katawan nya pero paglagpas ng 24 hours unti unti nag babago ang kulay nya

sa pangatlong araw nakitaan syan ng doctor na napalaking improvement, tila ba sinasabe nya sakin, dyan lang po kayo magiging okay ako at magiging handa po ako para sa aking operation. Isa syang buhay na patotoo samin na ang Dyos natin ay kayang gumawa ng himala. Kaya sino kami para mawalan ng pag-asa at ipagkait sa kanya ang buhay na nararapat sa kanya.

Umaabot po ng 20 - 40k per day yung bill nya sa hospital bukod pa po yung need na gastusin for operation kaya any amount would be greatly appreciated.

Dito satin napaka hirap ng medical assistance kung wala tayong sapat na pera.

Sana po matulungan nyo po kami financially and through prayers na dn para maisagawa ang operation para kay Baby Drew..

Organizer

  • Ranel Rena Jr
  •  
  • Campaign Owner

No updates for this campaign just yet

Followers

0 followers
No Followers Just Yet...
₱0.00
Donated So Far

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook