A Graduation without my MOM

  • ₱1,000.00
    raised of ₱100,000.00 goal goal
1% Funded
1 Donors
Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.
Show more
Show less


Ako po ay isang anak na kasalukuyang lumalaban upang hindi maulila nang dahil sa sakit na CANCER. Hindi ko akalain na sa murang edad ay mararanasan ko ang hirap at bigat nang nararamdaman nang isang anak na may nanay na pwedeng mawala sa anumang oras. Ako po si Ronele Tabingo, anak ni Elenor Amor na na diagnose nang STAGE 3 CERVICAL CANCER. Sa bawat araw, ang laging panalangin ko lang po ay sana malamapasan nang nanay ko ang karamdaman na ito. Halos araw araw po akong umiiyak sa Diyos na sana bigyan niya kame nang pagkakataon at lakas na mapagtagumpayan ang laban na ito.

Kasabay nang paghina nang katawan nang aking nanay ay ang paghina nang tiwala at lakas nang loob ko na "kaya ko at nang pamilya ko na manalo sa laban na ito".

Kagaya nang ilang mga anak. Palagi kong binibigay ang lahat sa aking pagaaral para masuklian nang kaligayahan ang mga sakripisyo nang magulang ko na naghahanap buhay lang sa palengke ng Tayug Pangasinan. Dahil ang pangarap ko ay makapagtapos at makakuha nang magandang trabaho para mai-ahon ko sila sa kahirapan. Lagi ko noong ini-imagine ang araw nang aking pagtatapos. Parang ang sarap sa pakiramdam, na para kang lumulutang, dahil sa lahat nang sakripisyo at ilang panahon na paghihirap para matustusan ang aking pag aaral ay matatapos na din ang pagiging Highschool ko.

Pero nung marinig ko ang balita tungkol sa sakit mo mama. Parang ayoko nang isipin ang "GRADUATION". Puno ako nang takot na baka sa araw na iyon ay hindi ikaw ang magsabit nang medalya saaken at baka ni hindi mo na ako makita na soot ang aking toga. Ayoko nang isipin. Araw araw akong umiiyak at parang gumuho lahat nang pangarap ko.

Pero, nung nakaraan, kahit hirap na hirap kana at sobrang saket nang nararamdaman mo. Pinilit mo parin na tumayo at umatend sa recognition day ko para isabet saken ang award at medalya na nakuha ko. Binulong mo saken na kailangan kong magtapos dahil edukasyon lang ang maiiwan mong regalo samen na tatlong magkakapatid. Napaka un-selfish mo, kase kame padin ang iniisip mo sa likod nang lahat nang dinadanas mong sakit.

Kaya ako po, kasama nang aking buong pamilya ay pinipilit na lumaban para mapagtagumpayan ang laban na ito. Ang nanay ko po na si ELENOR AMOR, ay sinugod noong IKATATLO nang ABRIL sa PGH sa pagkakaroon nang matinding komplekasyon sa BAGA, TUBIG SA TIYAN at BUKOL SA UTAK gawa nang kanyang sakit na CANCER. Hindi na po sya halos makagalaw at makadilat. Hirap na hirap na po siya sa kanyang kalagayan.

KAMI PO AY KUMAKATOK SA INYONG MGA PUSO, nawa ay makahingi kame ng kahit anong tulong mula sainyo upang makatulong sa mga bayarin at maituloy namen ang laban para sa buhay nang aking ina. Alam ko po na ang Diyos na ang bahalang magbalik sainyo nang sobra sobrang sukli. Tatanawin ko po itong pinaka malaking utang na loob sa bawat isa. Tulungan nyo po ako sa pangarap ko na makasama ang aking ina sa aking GRADUATION at sa mas mahaba pang panahon. Maraming salamat po.

Kung kayo po ay nais mag hulog direkta sa bank account ng nanay ko. Maari nyo po itong ipasok sa account na:

METROBANK Account Number: 505-3505-1412-20

Account name: Elenor A. Amor

Maari din po kayong mag donate direkta sa website na ito gamit ang inyong atm debit card at credit card.

Maraming salamat po.


Organizer

  • Ronele Tabingo
  •  
  • Campaign Owner

Donors

  • Ronaldo Secreto
  • Donated on Apr 05, 2019
  • Please help her! Thank you and God bless you all!!!

₱1000.00

No updates for this campaign just yet

Donors & Comments

1 donors
  • Ronaldo Secreto
  • Donated on Apr 05, 2019
  • Please help her! Thank you and God bless you all!!!

₱1000.00

Followers

1 followers
Ronaldo Secreto
₱1,000.00
raised of ₱100,000.00 goal
1% Funded
1 Donors

Help this ongoing fundraising campaign by making a donation and spreading the word.

Not Ready to Donate?

Did you know a 10 second Facebook share raises an average of ₱25?

Share on Facebook